Iniwasan naming makagawa ng anumang ipagdaramdam ninuman upang hindi mapulaan ang aming paglilingkod. Sa halip, sinisikap namin sa lahat ng paraan na ipakilalang kami'y lingkod ng Diyos, sa pamamagitan ng matiyagang pagtitiis sa lahat ng uri ng kahirapan, kapighatian at mga kagipitan. Kami'y hinagupit, ibinilanggo at binugbog. Naranasan namin ang magtrabaho nang labis, ang di matulog magdamag, at di kumain nang ilang araw. Namuhay kami nang malinis, may kaalaman, pagtitiis, at kabutihan upang ipakilalang kami'y lingkod ng Diyos sa patnubay ng Espiritu Santo at sa pamamagitan ng aming tapat na pag-ibig
Basahin 2 Mga Taga-Corinto 6
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: 2 Mga Taga-Corinto 6:3-6
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas