Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

2 Mga Taga-Corinto 4:1-4

2 Mga Taga-Corinto 4:1-4 RTPV05

Dahil sa habag ng Diyos, ibinigay niya sa amin ang paglilingkod na ito kaya't hindi humihina ang aming loob. Tinalikuran namin ang lahat ng lihim at kahiya-hiyang gawain. Hindi kami nanloloko ng mga tao, at hindi namin pinipilipit ang salita ng Diyos. Sa halip, hayagan naming ipinapangaral ang katotohanan, at ito'y alam ng Diyos. Kaya't handa kaming pahatol kaninuman. Kung may tabing pa ang Magandang Balitang ipinapahayag namin, ito'y natatabingan lamang para sa mga napapahamak. Hindi sila sumasampalataya sapagkat ang kanilang isip ay binulag ng diyos ng kasamaan sa daigdig na ito, upang hindi nila makita ang liwanag ng Magandang Balita tungkol sa kaluwalhatian ni Cristo na siyang larawan ng Diyos.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa 2 Mga Taga-Corinto 4:1-4

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya