Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

2 Mga Taga-Corinto 12:14-21

2 Mga Taga-Corinto 12:14-21 RTPV05

Ito ang ikatlong pagpunta ko riyan, at hindi ako naging pabigat sa inyo. Kayo ang nais ko, hindi ang inyong ari-arian. Ang mga magulang ang dapat mag-impok para sa mga anak, at hindi ang mga anak para sa mga magulang. At ikaliligaya kong gugulin ang lahat, at ihandog pati ang aking buhay para sa inyong kapakanan. Dahil ba sa kayo'y minahal ko nang labis, kaya kaunti ang pagmamahal ninyo sa akin? Alam ninyong hindi ako nakabigat kaninuman sa inyo. Subalit sinasabi ng ilan na ako'y tuso at nandaraya lamang sa inyo. Bakit? Pinagsamantalahan ko ba ang inyong kabutihan sa pamamagitan ng mga isinugo ko riyan? Pinakiusapan ko si Tito na pumunta riyan at pinasama ko sa kanya ang isang kapatid. Si Tito ba'y nagsamantala sa inyo? Hindi ba't namuhay kami ayon sa iisang Espiritu, at iisa ang aming pamamaraan? Akala ba ninyo'y ipinagtatanggol namin ang aming sarili? Hindi! Nagsasalita kami sa harapan ng Diyos ayon sa kalooban ni Cristo. Mga minamahal, lahat ng ginagawa namin ay para sa ikabubuti ninyo. Nangangamba akong baka pagpunta ko riyan ay may makita ako sa inyong hindi ko magustuhan, at kayo naman ay may makita sa aking hindi ninyo magustuhan. Baka ang matagpuan ko'y pag-aaway-away, pag-iinggitan, pag-aalitan, pagmamaramot, pagsisiraan, pagtsitsismisan, pagmamataas at kaguluhan. Nangangamba ako na pagpunta kong muli riyan, hiyain ako ng aking Diyos sa harapan ninyo, at itatangis ko ang karumihan, pakikiapid at kahalayang hindi pa ninyo pinagsisiha't tinatalikuran.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa 2 Mga Taga-Corinto 12:14-21

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya