Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

2 Mga Taga-Corinto 1:8-11

2 Mga Taga-Corinto 1:8-11 RTPV05

Mga kapatid, nais naming malaman ninyo ang mga kapighatiang dinanas namin sa Asia. Napakabigat ng aming dinanas, anupa't akala namin ay mamamatay na kami. Para kaming hinatulan ng kamatayan. Subalit nangyari iyon upang huwag kaming manalig sa aming sarili, kundi sa Diyos na muling bumubuhay sa mga patay. Iniligtas niya kami sa malagim na kamatayan, at patuloy na ililigtas. Kami'y umaasa rin na patuloy niya kaming ililigtas sa tulong ng inyong mga panalangin. Sa gayon, marami ang magpapasalamat sa Diyos dahil sa pagpapala niya sa amin bilang tugon sa panalangin ng marami.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa 2 Mga Taga-Corinto 1:8-11