Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

1 Samuel 15:1-9

1 Samuel 15:1-9 RTPV05

Sinabi ni Samuel kay Saul, “Isinugo ako ni Yahweh upang hirangin ka bilang hari ng Israel. Kaya't pakinggan mo ang mensahe ni Yahweh. Ipinapasabi ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat, ‘Paparusahan ko ang Amalek tulad ng ginawa niya sa Israel nang ito'y inilalabas ko sa Egipto. Lusubin mo ang Amalek at lipulin silang lahat. Wasakin mo ang lahat nilang ari-arian at huwag magtitira kahit isa. Patayin mo silang lahat, babae't lalaki, mula sa pinakamatanda hanggang sa sanggol. Patayin mo rin ang kanilang mga baka, tupa, kamelyo at asno.” Kaya't tinipon ni Saul sa Telaim ang buong hukbo ng Israel. Nang bilangin niya'y umabot ito sa dalawampung libong mga kawal, bukod pa sa sampung libo buhat sa Juda. Pinangunahan niya ang mga ito papunta sa Lunsod ng Amalek. Nag-abang sila sa isang natuyong ilog na malapit doon at nagpasugo sa mga Cineo at ipinasabi niya, “Umalis na kayo riyan. Humiwalay kayo sa mga Amalekita para hindi kayo madamay sa kanila sapagkat pinagpakitaan ninyo kami ng mabuti sa aming paglalakbay mula sa Egipto.” Kaya't umalis ang mga Cineo. Sinalakay nina Saul ang mga Amalekita at tinalo ang mga ito mula sa Avila hanggang sa Sur, sa silangan ng Egipto. Nilipol niya ang mga taong-bayan ngunit binihag nang buháy si Haring Agag. Hindi rin pinatay nina Saul ang magagandang baka, tupa at lahat ng matatabang hayop doon; ang pinatay lang nila ay lahat ng hindi na papakinabangan.