Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

1 Mga Taga-Corinto 6:1-3

1 Mga Taga-Corinto 6:1-3 RTPV05

Kung may reklamo ang sinuman sa inyo laban sa kapwa Cristiano, bakit siya nagsasakdal sa mga hukom na hindi Cristiano, sa halip na ipaubaya sa mga hinirang ng Diyos ang pag-aayos ng usapin nila? Hindi ba ninyo alam na ang mga hinirang ng Diyos ang hahatol sa sanlibutan? Kung kayo ang hahatol sa sanlibutan, hindi ba ninyo kayang hatulan ang ganyang kaliit na bagay? Hindi ba ninyo alam na hahatulan natin ang mga anghel? Gaano na lang ang mga bagay na may kinalaman sa buhay na ito!