Si Cristo'y tulad ng isang katawan na may maraming bahagi. Kahit na binubuo ng iba't ibang bahagi, ito ay nananatiling iisang katawan. Maging Judio o Hentil, alipin man o malaya, tayong lahat ay binautismuhan sa iisang Espiritu upang maging isang katawan. Tayong lahat ay pinainom sa iisang Espiritu. Ang katawan ay binubuo ng maraming bahagi at hindi ng iisang bahagi lamang. Kung sasabihin ng paa, “Hindi ako kamay kaya't hindi ako bahagi ng katawan,” hindi na nga ba ito bahagi ng katawan? Kung sasabihin ng tainga, “Hindi ako mata, kaya't hindi ako bahagi ng katawan,” hindi na nga ba ito bahagi ng katawan? Kung puro mata lamang ang buong katawan, paano ito makakarinig? Kung puro tainga lamang ang buong katawan, paano ito makakaamoy? Subalit inilagay ng Diyos ang bawat bahagi ng katawan ayon sa kanyang kalooban. Kung ang lahat ng bahagi ay pare-pareho, hindi iyan maituturing na katawan. Ngunit ang totoo'y marami ang mga bahagi, ngunit iisa lamang ang katawan.
Basahin 1 Mga Taga-Corinto 12
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: 1 Mga Taga-Corinto 12:12-20
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas