sapagkat hindi mula sa babae ang lalaki, kundi ang babae ay nagmula sa lalaki. At hindi rin nilalang ang lalaki para sa babae, kundi ang babae ay nilalang para sa lalaki. Alang-alang sa mga anghel, dapat magbelo ang babae bilang tanda na siya'y nasasakop ng kanyang asawa. Gayunman, sa paningin ng Panginoon ay kailangan ng babae ang lalaki at kailangan din naman ng lalaki ang babae. Kung nagmula man sa lalaki ang babae, ang lalaki nama'y isinisilang ng babae, at mula sa Diyos ang lahat.
Basahin 1 Mga Taga-Corinto 11
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: 1 Mga Taga-Corinto 11:8-12
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas