Job 14
14
Maikli ang Buhay ng Tao
1“Ang#Kar. 2:1; Ecc. 40:1-11; 41:1-4. buhay ng tao'y maikli lamang,
subalit punung-puno ng kahirapan.
2Tulad ng bulaklak na namumukadkad, nalalanta at nalalagas,
parang aninong nagdaraan, naglalaho at napaparam.
3Titingnan mo pa ba ang ganitong nilalang?
Dadalhin mo pa ba siya sa hukuman?
4Mayroon bang malinis na magmumula,
sa taong marumi at masama?
5Sa simula pa'y itinakda na ang kanyang araw,
at bilang na rin ang kanyang mga buwan,
nilagyan mo na siya ng hangganan na hindi niya kayang lampasan.
6Lubayan mo na siya at pabayaan,
nang makatikim naman kahit kaunting kaginhawahan.
7“Kahoy na pinutol ay may pag-asa,
muli itong tutubo at magsasanga.
8Kahit pa ang ugat nito ay matanda na,
at mamatay ang puno sa kinatatamnan niya,
9ngunit ito'y nag-uusbong kapag diniligan, ito'y magsasanga tulad ng batang halaman.
10Ngunit ang tao kapag namatay, iyon na ang kanyang katapusan,
pagkalagot ng kanyang hininga, saan naman kaya siya pupunta?
11“Tulad ng ilog na tumigil sa pag-agos,
at gaya ng lawa na ang tubig ay naubos.
12Ngunit ang tao kapag namatay hindi na babangon
hanggang ang langit ay maparam.
13Itago mo na sana ako sa daigdig ng mga patay,
hanggang sa ang poot mo'y mapawi nang lubusan,
at muli mong maalala ang aking kalagayan.
14Kung ang tao ay mamatay, siya kaya'y muling mabubuhay?
Ngunit para sa akin, paglaya ko sa hirap ay aking hihintayin.
15Ikaw ay tatawag at ako'y sasagot,
sa iyong nilikha, ikaw ay malulugod.
16Kung magkagayon, bawat hakbang ko'y iyong babantayan,
di mo na tatandaan ang aking mga kasalanan.
17Ang mga kasalanan ko'y iyong patatawarin,
lahat ng kasamaan ko'y iyong papawiin.
18“Darating ang araw na guguho ang kabundukan,
malilipat ng lugar mga batong naglalakihan.
19Sa buhos ng tubig, ang bato ay naaagnas,
ang lupang matigas sa baha ay natitibag,
gayon ang pag-asa ng tao, kapag iyong winasak.
20Nilulupig mo ang tao at tuluyang naglalaho,
sa sandali ng kamatayan nagbabago ang kanyang anyo.
21Anak man niya'y parangalan, hindi na niya malalaman,
hindi na rin mababatid kung bigyan silang kahihiyan.
22Ang kanya lamang nadarama ay sakit ng sariling katawan,
ang tanging iniisip ay ang sariling kalungkutan.”
Kasalukuyang Napili:
Job 14: MBBTAG12
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
New Testament © 2012 Philippine Bible Society
Old Testament © 2005 Philippine Bible Society