Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Baruc 5

5
1Jerusalem,#Isa. 52:1; 61:3, 10; Pah. 21:2. hubarin mo na ang damit-panluksa
at isuot mo ang walang hanggang kaluwalhatian ng Diyos.
2Ibalabal mo ang kanyang katuwiran
at iputong mo sa iyong ulo ang korona ng kaluwalhatian ng Diyos na walang hanggan.
3Itatanyag ka niya sa lahat ng dako.
4Tatawagin kang “Kapayapaang bunga ng katuwiran
at Kaluwalhatiang bunga ng pagiging maka-Diyos.”
5Jerusalem, tumayo ka at umakyat sa mataas na burol.
Tumingin ka sa silangan at tanawin mo
ang iyong mga anak na sa isang tawag lamang ng banal na Diyos ay natitipon mula sa silangan hanggang sa kanluran.
Nagagalak sila sapagkat hindi sila kinalimutan ng Diyos.
6Pilit silang inagaw sa iyo at kinaladkad palayo,
ngunit ngayo'y ibinabalik sa iyo
na sakay sa kaluwalhatiang wari'y nakaupo sa maharlikang trono.
7Iniutos ng Diyos na patagin ang matataas na bundok at walang hanggang burol,
at tambakan ang mga libis
upang panatag na makabalik ang bayang Israel na puspos ng kaluwalhatian ng Diyos.
8Sa utos niya'y lilitaw ang maraming mababangong punongkahoy
upang liliman ang Israel.
9Aakayin sila ng Diyos, at babalik silang masaya
na pangangalagaan ng kanyang habag at katuwiran,
at liligaya sa liwanag ng kanyang walang hanggang kaluwalhatian.

Kasalukuyang Napili:

Baruc 5: MBBTAG12

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in