Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

ZACARIAS 13

13
Ang paglilinis ng Jerusalem.
1Sa araw na yaon ay #Ezek. 36:25. mabubuksan ang isang bukal sa sangbahayan ni David at sa mga mananahan sa Jerusalem, sa kasalanan, at sa karumihan.
2At mangyayari sa araw na yaon, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, na aking ihihiwalay sa lupain ang mga pangalan ng mga diosdiosan, at sila'y hindi na mangaaalaala pa; at aking palalayasin naman ang mga propeta at ang karumaldumal na espiritu sa lupain.
3At mangyayari, na pagka ang sinoman ay manghuhula, sasabihin nga sa kaniya ng kaniyang ama at ng kaniyang ina na nanganak sa kaniya, Ikaw ay hindi mabubuhay; sapagka't ikaw ay nagsasalita ng kabulaanan sa pangalan ng Panginoon; at palalagpasan #Deut. 13:6, 8. siya ng kaniyang ama at ng kaniyang ina na nanganak sa kaniya samantalang siya'y nanghuhula.
4At mangyayari sa araw na yaon na #Mik. 3:6, 7. ang mga propeta ay mangahihiya bawa't isa dahil sa kaniyang pangitain, pagka siya'y nanghuhula; hindi man sila #2 Hari 1:8. mangagsusuot ng kasuutang balahibo, upang mangdaya:
5Kundi kaniyang sasabihin, #Amos 7:14. Ako'y hindi propeta, ako'y mangbubukid sa lupa; sapagka't ako'y pinapaging alipin mula sa aking pagkabinata.
6At sasabihin ng isa sa kaniya, Ano ang mga sugat na ito sa pagitan ng iyong mga bisig? Kung magkagayo'y siya'y sasagot, Iyan ang mga naging sugat ko sa bahay ng aking mga kaibigan.
7Gumising ka, Oh tabak, laban sa #Is. 40:11. pastor ko, at laban sa lalake na aking #Lev. 6:2; Juan 10:30. kasama, sabi ng Panginoon ng mga hukbo: #Mat. 26:31. saktan mo ang pastor at ang mga tupa ay mangangalat; at aking ipipihit ang aking kamay laban sa mga maliit.
8At mangyayari, na sa buong lupain, sabi ng Panginoon, dalawang bahagi ay mahihiwalay at mamamatay; #Zac. 14:2. nguni't ang ikatlo ay maiiwan.
9At aking dadalhin ang ikatlong bahagi sa apoy, at sila'y #Mal. 3:2, 3. dadalisayin ko na parang pilak na dalisay, at #1 Ped. 1:7. sila'y susubukin ko na parang pagsubok sa ginto. Sila'y magsisitawag sa aking pangalan, at akin silang didinggin: #Os. 2:23. aking sasabihin, Siya'y bayan ko; at kanilang sasabihin, Ang Panginoon ay aking Dios.

Kasalukuyang Napili:

ZACARIAS 13: ABTAG

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in