APOCALIPSIS 15
15
1At #Apoc. 12:1, 3. nakita ko ang ibang tanda sa langit, dakila at kagilagilalas. #Apoc. 16:1; 21:9. Pitong anghel na may pitong salot, na siyang mga panghuli, #Apoc. 14:10. sapagka't sa mga yao'y magaganap ang kagalitan ng Dios.
2At nakita ko ang gaya ng #Apoc. 4:6. isang dagat na bubog na may halong apoy, at yaong nangagtagumpay sa hayop, #Apoc. 13:1, 14, 16. at sa kaniyang larawan, at sa #Apoc. 13:18. bilang ng kaniyang pangalan, ay nangakatayo sa tabi ng dagat na bubog, #Apoc. 5:8. na may mga alpa ng Dios.
3At inaawit nila #Ex. 15:1; Deut. 31:30. ang awit ni Moises na alipin ng Dios, at #Apoc. 5:9. ang awit ng Cordero, na sinasabi,
Mga dakila at kagilagilalas ang iyong mga gawa, Oh Panginoong Dios, na Makapangyarihan sa lahat; #Awit 111:7; Os. 14:9. matuwid at tunay ang iyong mga daan, ikaw na Hari ng mga bansa.
4 #
Ex. 15:14-16. Sinong hindi matatakot, Oh Panginoon, at luluwalhatiin ang iyong pangalan? sapagka't #Heb. 7:26. ikaw lamang ang banal; sapagka't ang #Awit 86:9. lahat ng mga bansa ay darating at magsisisamba sa harapan mo; sapagka't ang iyong mga matuwid na gawa ay nangahayag.
5At pagkatapos ng mga bagay na ito ay tumingin ako, at #Apoc. 14:17. ang santuario ng #Blg. 1:50. tabernakulo ng patotoo #Apoc. 11:19. sa langit ay nabuksan.
6At sa santuario ay nagsilabas ang #tal. 1; Apoc. 16:1; 21:9. pitong anghel na may pitong salot, na #Ex. 29:6; Ezek. 44:17; Apoc. 1:13. nararamtan ng mahalagang bato, tunay at makintab, at nangabibigkisan ng gintong pamigkis ang kanilang mga dibdib.
7At isa sa apat na #Apoc. 4:6. nilalang na buhay ay nagbigay sa pitong anghel ng pitong #Apoc. 5:8. mangkok na ginto na puno ng kagalitan ng Dios, na siyang nabubuhay magpakailan kailan man.
8At #Ex. 40:34; Is. 6:4. napuno ng usok ang santuario #2 Tes. 1:9. mula sa kaluwalhatian ng Dios, at sa kaniyang kapangyarihan; #Ex. 40:35; 1 Hari 8:11. at sinoman ay hindi nakapasok sa santuario, hanggang sa matapos ang pitong salot ng pitong anghel.
Kasalukuyang Napili:
APOCALIPSIS 15: ABTAG
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
Ang Biblia © Philippine Bible Society, 1982