Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 91:9-16

MGA AWIT 91:9-16 ABTAG

Sapagka't ikaw, Oh Panginoon, ay aking kanlungan! Iyong ginawa ang Kataastaasan na iyong tahanan; Walang kasamaang mangyayari sa iyo, Ni anomang salot ay lalapit sa iyong tolda. Sapagka't siya'y magbibilin sa kaniyang mga anghel tungkol sa iyo, Upang ingatan ka sa lahat ng iyong mga lakad. Kanilang dadalhin ka sa kanilang mga kamay, Baka matisod ka ng iyong paa sa isang bato. Iyong yayapakan ang leon at ang ulupong: Ang batang leon at ang ahas ay yuyurakan mo ng iyong mga paa. Sapagka't kaniyang inilagak ang kaniyang pagibig sa akin, kaya't iniligtas ko siya: Aking ilalagay siya sa mataas, sapagka't kaniyang naalaman ang pangalan ko. Siya'y tatawag sa akin, at sasagutin ko siya; Ako'y sasa kaniya sa kabagabagan: Aking ililigtas siya, at pararangalan siya. Aking bubusugin siya ng mahabang buhay, At ipakikita ko sa kaniya ang aking pagliligtas.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa MGA AWIT 91:9-16