Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 88

88
Awit, Salmo ng mga anak ni Core; sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Mahalath Leannoth. Masquil ni #1 Hari 4:31. Heman na #1 Cron. 2:6. Ezrahita.
1Oh Panginoon, na Dios ng aking kaligtasan,
Ako'y dumaing #Awit 22:2; Luc. 18:7. araw at gabi sa harap mo:
2Masok ang aking dalangin sa iyong harapan:
Ikiling mo ang iyong pakinig sa aking daing:
3Sapagka't ang aking kaluluwa ay lipos ng mga kabagabagan,
At ang aking buhay ay #Awit 107:18. nalalapit sa Sheol,
4 # Awit 28:1. Ako'y nabilang sa kanila na nagsisibaba sa hukay;
Ako'y parang taong walang lakas:
5Nakahagis sa gitna ng mga patay,
Gaya ng napatay na nakahiga sa libingan,
Na #tal. 10-12; Awit 6:5. hindi mo na inaalaala; At sila'y mangahiwalay sa iyong kamay.
6Iyong inilapag ako sa pinakamalalim na hukay,
Sa mga #Awit 143:3; Panag. 3:6. madilim na dako, sa mga #Awit 69:15. kalaliman.
7Lubhang idinidiin ako ng iyong poot,
At iyong pinighati ako ng lahat mong mga alon. (Selah)
8 # Job 19:13, 19. Iyong inilayo sa akin ang kakilala ko;
Iyong ginawa akong #Job 30:10. kasuklamsuklam sa kanila:
Ako'y nakulong at hindi ako makalabas,
9Ang mata ko'y nangangalumata dahil sa kadalamhatian:
Ako'y tumawag #Job 11:13. araw-araw sa iyo, Oh Panginoon,
Aking iginawad ang mga kamay ko sa iyo.
10Magpapakita ka ba ng mga kababalaghan sa mga patay?
Sila bang mga patay ay magsisibangon, at magsisipuri sa iyo? (Selah)
11Ang iyo bang kagandahang-loob ay ipahahayag sa libingan?
O ang iyong pagtatapat sa #Job 26:6. Kagibaan?
12Malalaman ba ang mga kababalaghan mo sa #tal. 6. dilim?
At ang katuwiran mo sa lupain ng #tal. 5; Ec. 9:5. pagkalimot?
13Nguni't sa iyo, Oh Panginoon, dumaing ako,
At #Awit 5:3. sa kinaumagahan ay darating ang dalangin ko sa harap mo.
14Panginoon, bakit mo itinatakuwil ang kaluluwa ko?
Bakit mo #Job 13:24. ikinukubli ang iyong mukha sa akin?
15Ako'y nadadalamhati, at handang mamatay mula sa aking kabataan:
Habang aking tinitiis ang iyong mga kakilakilabot na bagay ay nakakalingat ako.
16Ang iyong mabangis na poot ay dumaan sa akin;
Inihiwalay ako #Job 6:4. ng iyong mga kakilakilabot na bagay.
17Kanilang kinulong ako na parang tubig buong araw;
# Awit 22:16. Kinubkob ako nilang magkakasama.
18Mangliligaw at kaibigan ay #Awit 38:11. inilayo mo sa akin,
At ang aking kakilala ay sa #Job 17:14. dilim.

Kasalukuyang Napili:

MGA AWIT 88: ABTAG

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in