Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 73:21-28

MGA AWIT 73:21-28 ABTAG

Sapagka't ang puso ko'y namanglaw, At sa aking kalooban ay nasaktan ako: Sa gayo'y naging walang muwang ako, at musmos; Ako'y naging gaya ng hayop sa harap mo. Gayon ma'y laging sumasaiyo ako: Iyong inalalayan ang aking kanan. Iyong papatnubayan ako ng iyong payo, At pagkatapos ay tatanggapin mo ako sa kaluwalhatian. Sinong kumakasi sa akin sa langit kundi ikaw? At walang ninanasa ako sa lupa liban sa iyo. Ang aking laman at ang aking puso ay nanglulupaypay: Nguni't ang Dios ay kalakasan ng aking puso, at bahagi ko magpakailan man. Sapagka't narito, silang malayo sa iyo ay mangalilipol: Iyong ibinuwal silang lahat, na nangakikiapid, na nagsisihiwalay sa iyo. Nguni't mabuti sa akin na lumapit sa Dios; Ginawa kong aking kanlungan ang Panginoong Dios, Upang aking maisaysay ang lahat ng iyong mga gawa.

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya