Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 71

71
Panalangin ng isang matandang tao sa pagliligtas.
1Sa iyo #Awit 31:1-3. Oh Panginoon, nanganganlong ako:
Huwag akong mapahiya kailan man.
2 # Awit 31:1. Iligtas mo ako sa iyong katuwiran, at sagipin mo ako:
# Awit 17:6. Ikiling mo ang iyong pakinig sa akin, at iligtas mo ako,
3 # Awit 31:2, 3; 90:1. Ikaw ay maging kanlungan ng aking tahanan, na aking kapaparunang lagi:
# Awit 44:4. Ikaw ay nagbigay utos na iligtas ako;
Sapagka't ikaw ay aking malaking bato at aking kuta.
4Sagipin mo ako, #Awit 140:1, 4. Oh aking Dios, sa kamay ng masama,
Sa kamay ng liko at mabagsik na tao.
5Sapagka't ikaw ay #Jer. 14:8; 17:13; Tit. 1:1. aking pagasa, Oh Panginoong Dios:
Ikaw ay aking tiwala mula sa aking kabataan.
6 # Awit 22:9; Is. 46:3; Gal. 1:15. Sa pamamagitan mo ay naalalayan ako mula sa bahay-bata:
Ikaw ang kumuha sa akin sa tiyan ng aking ina:
Ang pagpuri ko'y magiging laging sa iyo.
7 # Is. 8:18; Zac. 3:8; 1 Cor. 4:9. Ako'y naging isang kagilagilalas sa marami;
Nguni't ikaw ang matibay kong kanlungan.
8Ang bibig ko'y #Awit 35:28. mapupuno ng pagpuri sa iyo,
At ng iyong karangalan buong araw.
9 # tal. 18. Huwag mo akong itakuwil sa katandaan;
Huwag mo akong pabayaan pagka ang aking kalakasan ay nanglulupaypay.
10Sapagka't ang mga kaaway ko'y nangagsasalita tungkol sa akin:
At silang nagsisibakay ng aking kaluluwa ay nangagsasanggunian,
11Na nangagsasabi, Pinabayaan siya ng Dios:
Iyong habulin at hulihin siya; sapagka't walang magligtas.
12 # Awit 35:22. Oh Dios, huwag kang lumayo sa akin:
Oh Dios ko, #Awit 40:13; 70:1. magmadali kang tulungan mo ako.
13 # Awit 109:29. Mangapahiya at mangalipol sila na mga kaaway ng aking kaluluwa;
Mangatakpan ng pagkaduwahagi at kasiraang puri sila, na nagsisihanap ng aking kapahamakan.
14Nguni't ako'y maghihintay na palagi,
At pupuri pa ako sa iyo ng higit at higit.
15 # tal. 8:24; Awit 35:28. Ang bibig ko'y magsasaysay ng iyong katuwiran,
At ng iyong pagliligtas buong araw;
# Awit 40:5. Sapagka't hindi ko nalalaman ang mga bilang.
16Ako'y yayao na may mga makapangyarihang gawa ng Panginoong Dios:
Aking babanggitin ang iyong katuwiran, sa makatuwid baga'y ang iyo lamang.
17Oh Dios, iyong tinuruan ako mula sa aking kabataan;
At hanggang ngayon ay aking inihahayag ang iyong kagilagilalas na mga gawa.
18Oo, pag ako'y tumanda at may uban, Oh Dios, huwag mo akong pabayaan;
Hanggang sa aking maipahayag ang #Is. 53:1. iyong kalakasan sa sumusunod na lahi,
Ang iyong kapangyarihan sa bawa't isa na darating.
19 # Awit 36:5. Ang iyo ring katuwiran, Oh Dios, ay totoong mataas;
Ikaw na #Luc. 1:49. gumawa ng dakilang mga bagay,
# Ex. 15:11. Oh Dios, sino ang gaya mo.
20 # Awit 60:3. Ikaw na nagpakita sa amin ng marami at lubhang kabagabagan,
# Awit 80:18; Os. 6:2. Bubuhayin mo uli kami,
At ibabangon mo uli kami mula sa mga kalaliman ng lupa.
21Palaguin mo ang aking kadakilaan,
At bumalik ka uli, at aliwin mo ako.
22Pupurihin din kita ng salterio,
Ang iyong katotohanan, Oh Dios ko;
Sa iyo'y aawit ako ng mga kapurihan sa pamamagitan ng alpa,
# Awit 78:41; 89:18. Oh ikaw na Banal ng Israel.
23Ang mga labi ko'y mangagagalak na mainam pagka ako'y umaawit ng mga pagpuri sa iyo;
At ang #Awit 34:22. kaluluwa ko, na iyong tinubos.
24 # Awit 35:28. Ang dila ko naman ay magsasalita ng iyong katuwiran buong araw:
# tal. 13. Sapagka't sila'y nangapahiya, sila'y nangalito, na nagsisihanap ng aking kapahamakan.

Kasalukuyang Napili:

MGA AWIT 71: ABTAG

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in