Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 52

52
Sa Pangulong Manunugtog. Masquil ni David; nang dumating at magsaysay kay Saul si #1 Sam. 22:9. Doeg na Idomeo, at magsabi sa kaniya, Si David ay naparoon sa bahay ni Ahimelech.
1Bakit ka naghahambog sa kasamaan, Oh #1 Sam. 21:4. makapangyarihang tao?
Ang kagandahang-loob ng Dios ay palagi.
2 # Awit 50:19. Ang dila mo'y kumakatha ng totoong masama;
Gaya ng matalas na #Awit 57:4. pangahit, na gumagawang may karayaan.
3Iniibig mo ang kasamaan ng higit kay sa kabutihan;
# Jer. 9:4-5. At ang pagsisinungaling kay sa pagsasalita ng katuwiran. (Selah)
4Iniibig mo ang lahat na mananakmal na salita,
Oh ikaw na magdarayang dila.
5Ilulugmok ka ring gayon ng Dios magpakailan man,
Itataas ka niya, at ilalabas ka sa iyong tolda,
At #Kaw. 2:22. bubunutin ka niya sa #Mik. 3:3. lupain ng may buhay. (Selah)
6 # Job 22:19; Awit 37:34; 64:8, 9. Makikita naman ng matuwid, at matatakot,
# Job 22:19; Awit 58:10. At tatawa sa kaniya, na magsasabi,
7Narito, ito ang tao na hindi ginawang kaniyang katibayan, ang Dios;
Kundi #Awit 49:6. tumiwala sa kasaganaan ng kaniyang mga kayamanan,
At nagpakalakas sa kaniyang kasamaan.
8Nguni't tungkol sa akin, #Awit 92:12, 13; Jer. 11:16; Os. 14:6. ay gaya ako ng sariwang punong kahoy ng olibo sa bahay ng Dios:
Tumitiwala ako sa kagandahangloob ng Dios magpakailan-kailan man.
9Ako'y magpapasalamat sa iyo magpakailan man, sapagka't iyong ginawa:
At ako'y maghihintay sa iyong pangalan #Awit 54:6. sapagka't mabuti, sa harapan ng #Awit 50:5. iyong mga banal.

Kasalukuyang Napili:

MGA AWIT 52: ABTAG

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in