Kung magkagayo'y ituturo ko sa mga mananalangsang ang iyong mga lakad; At ang mga makasalanan ay mangahihikayat sa iyo. Iligtas mo ako sa salang pagbububo ng dugo, Oh Dios, ikaw na Dios ng aking kaligtasan; At ang aking dila ay aawit ng malakas tungkol sa iyong katuwiran. Oh Panginoon, bukhin mo ang aking mga labi; At ang aking bibig ay magsasaysay ng iyong kapurihan. Sapagka't hindi ka nalulugod sa hain; na kung dili ay bibigyan kita: Wala kang kaluguran sa handog na susunugin. Ang mga hain sa Dios ay bagbag na loob: Isang bagbag at may pagsisising puso, Oh Dios, ay hindi mo wawaling kabuluhan.
Basahin MGA AWIT 51
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: MGA AWIT 51:13-17
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas