MGA AWIT 48
48
Awit; Salmo ng mga anak ni Core.
1Dakila ang Panginoon, at marapat pakapurihin,
#
Awit 46:4. Sa bayan ng aming Dios, sa kaniyang #Awit 2:6; Is. 2:2, 3; Zac. 8:3. banal na bundok.
2 #
Awit 50:2; Panag. 2:15. Maganda sa kataasan, ang kagalakan ng buong #Is. 14:13. lupa,
Siyang bundok ng Sion, sa mga dako ng hilagaan,
#
Mat. 5:35. Na bayan ng dakilang Hari.
3Ang Dios ay napakilala sa kaniyang mga bahay-hari, na pinakakanlungan.
4Sapagka't narito, ang mga hari ay nagpupulong,
Sila'y nagsidaang magkakasama.
5Kanilang nakita, nagsipanggilalas nga sila;
Sila'y nanganglupaypay, sila'y #Awit 104:7. nangagmadaling tumakas.
6 #
Ex. 15:15. Panginginig ay humawak sa kanila roon;
Sakit, gaya ng sa isang babae sa pagdaramdam.
7 #
Ezek. 27:26. Sa pamamagitan ng hanging silanganan
Iyong binabasag ang mga sasakyan sa Tharsis.
8Kung ano ang aming narinig, ay gayon ang aming nakita
Sa #Is. 60:14. bayan ng Panginoon ng mga hukbo, sa bayan ng aming Dios:
#
Is. 2:2. Itatatag ito ng Dios magpakailan man. (Selah)
9Aming inaalaala ang iyong kagandahang-loob, Oh Dios,
Sa gitna ng iyong templo.
10Kung ano ang #Deut. 28:58; Jos. 7:9; Awit 113:3; Mal. 1:11, 14. iyong pangalan, Oh Dios,
Gayon ang pagpuri sa iyo hanggang sa mga wakas ng lupa;
Ang iyong kanan ay puspos ng katuwiran.
11Matuwa ka bundok ng Sion,
Magalak ang mga #Awit 97:8. anak na babae ng Juda,
Dahil sa iyong mga kahatulan.
12Libutin ninyo ang Sion, at inyong ligirin siya:
Inyong saysayin ang mga moog niyaon.
13Tandaan ninyong mabuti ang kaniyang mga kuta,
Inyong masdan ang kaniyang mga bahay-hari;
Upang inyong maisaysay ito sa #Awit 102:18. susunod na lahi.
14Sapagka't ang Dios na ito ay ating Dios magpakailan-kailan man:
Siya'y magiging ating #Is. 58:11. patnubay hanggang sa kamatayan.
Kasalukuyang Napili:
MGA AWIT 48: ABTAG
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
Ang Biblia © Philippine Bible Society, 1982