Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 40:1-8

MGA AWIT 40:1-8 ABTAG

Aking hinintay na may pagtitiis ang Panginoon; At siya'y kumiling sa akin, at dininig ang aking daing. Isinampa naman niya ako mula sa isang kakilakilabot na balon, mula sa balahong malagkit; At itinuntong niya ang aking mga paa sa isang malaking bato, at itinatag ang aking mga paglakad. At siya'y naglagay ng bagong awit sa aking bibig, sa makatuwid baga'y pagpuri sa aming Dios: Marami ang mangakakakita at mangatatakot, At magsisitiwala sa Panginoon. Mapalad ang tao na ginagawang kaniyang tiwala ang Panginoon, At hindi iginagalang ang palalo, ni ang mga naliligaw man sa pagsunod sa mga kabulaanan. Marami, Oh Panginoon kong Dios, ang mga kagilagilalas na mga gawa na iyong ginawa, At ang iyong mga pagiisip sa amin: Hindi malalagay na maayos sa harap mo; Kung ako'y magpapahayag at sasalitain ko sila, Sila'y higit kay sa mabibilang. Hain at handog ay hindi mo kinaluluguran; Ang aking pakinig ay iyong binuksan: Handog na susunugin, at handog tungkol sa kasalanan ay hindi mo hiningi. Nang magkagayo'y sinabi ko: Narito, dumating ako; Sa balumbon ng aklat ay nakasulat tungkol sa akin: Aking kinalulugurang sundin ang iyong kalooban, Oh Dios ko; Oo, ang iyong kautusan ay nasa loob ng aking puso.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa MGA AWIT 40:1-8