Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 40:1-4

MGA AWIT 40:1-4 ABTAG

Aking hinintay na may pagtitiis ang Panginoon; At siya'y kumiling sa akin, at dininig ang aking daing. Isinampa naman niya ako mula sa isang kakilakilabot na balon, mula sa balahong malagkit; At itinuntong niya ang aking mga paa sa isang malaking bato, at itinatag ang aking mga paglakad. At siya'y naglagay ng bagong awit sa aking bibig, sa makatuwid baga'y pagpuri sa aming Dios: Marami ang mangakakakita at mangatatakot, At magsisitiwala sa Panginoon. Mapalad ang tao na ginagawang kaniyang tiwala ang Panginoon, At hindi iginagalang ang palalo, ni ang mga naliligaw man sa pagsunod sa mga kabulaanan.