Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 37:24-36

MGA AWIT 37:24-36 ABTAG

Bagaman siya'y mabuwal, hindi siya lubos na mapapahiga: Sapagka't inaalalayan siya ng Panginoon ng kaniyang kamay. Ako'y naging bata, at ngayo'y matanda; Gayon ma'y hindi ko nakita ang matuwid na pinabayaan, Ni ang kaniyang lahi man ay nagpapalimos ng tinapay. Lahat ng araw ay nahahabag, at nagpapahiram; At ang kaniyang lahi ay pinagpapala. Ikaw ay humiwalay sa kasamaan, at gumawa ka ng mabuti; At manahan ka magpakailan man. Sapagka't iniibig ng Panginoon ang kahatulan, At hindi pinababayaan ang kaniyang mga banal; Sila'y iniingatan magpakailan man: Nguni't ang lahi ng masama ay mahihiwalay. Mamanahin ng matuwid ang lupain, At tatahan doon magpakailan man. Ang bibig ng matuwid ay nangungusap ng karunungan, At ang kaniyang dila ay nagsasalita ng kahatulan. Ang kautusan ng kaniyang Dios ay nasa kaniyang puso, Walang madudulas sa kaniyang mga hakbang. Inaabatan ng masama ang matuwid, At pinagsisikapang patayin niya siya. Hindi siya iiwan ng Panginoon sa kaniyang kamay, Ni parurusahan man siya pagka siya'y nahatulan. Hintayin mo ang Panginoon, at ingatan mo ang kaniyang daan, At ibubunyi ka upang manahin mo ang lupain: Pagka nahiwalay ang masama, iyong makikita. Aking nakita ang masama sa malaking kapangyarihan, At lumalaganap na gaya ng sariwang punong kahoy sa kaniyang lupang tinubuan. Nguni't may dumaan at, narito, wala na siya: Oo, hinanap ko siya, nguni't hindi siya masumpungan.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa MGA AWIT 37:24-36