Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 37:1-20

MGA AWIT 37:1-20 ABTAG

Huwag kang mabalisa dahil sa mga manggagawa ng kasamaan, Ni managhili ka man sa kanila na nagsisigawa ng kalikuan. Sapagka't sila'y madaling puputuling gaya ng damo, At matutuyong gaya ng sariwang damo. Tumiwala ka sa Panginoon, at gumawa ka ng mabuti; Tumahan ka sa lupain, at gawin mong kumain sa kaniyang pagkatapat. Magpakaligaya ka naman sa Panginoon; At bibigyan ka niya ng nasa ng iyong puso. Ihabilin mo ang iyong lakad sa Panginoon; Tumiwala ka rin naman sa kaniya, at kaniyang papangyayarihin. At kaniyang palalabasing gaya ng liwanag ang iyong katuwiran, At ang iyong kahatulan ay gaya ng katanghaliang tapat. Ikaw ay magpahinga sa Panginoon, at maghintay kang may pagtitiis sa kaniya: Huwag kang mabalisa ng dahil sa kaniya na gumiginhawa sa kaniyang lakad, Dahil sa lalake na nagpapangyari ng mga masamang katha. Maglikat ka ng pagkagalit, at bayaan mo ang poot: Huwag kang mabalisa, iya'y maghahatid lamang sa paggawa ng kasamaan. Sapagka't ang mga manggagawa ng kasamaan ay mangahihiwalay: Nguni't yaong nagsipaghintay sa Panginoon, ay mangagmamana sila ng lupain. Sapagka't sangdali na lamang, at ang masama ay mawawala na: Oo, iyong uusisaing mainam ang kaniyang dako, at siya'y mawawala na. Nguni't ang maamo ay magmamana ng lupain, At masasayahan sa kasaganaan ng kapayapaan. Ang masama ay kumakatha laban sa ganap, At pinagngangalit sa kaniya ang kaniyang mga ngipin. Tatawanan siya ng Panginoon: Sapagka't kaniyang nakikita na ang kaniyang kaarawan ay dumarating. Hinugot ng masama ang tabak, at inihanda ang kanilang busog: Upang ilugmok ang dukha at mapagkailangan, Upang patayin ang matuwid sa paglakad: Ang kanilang tabak ay masasaksak sa kanilang sariling puso, At ang kanilang busog ay mababali. Mainam ang kaunti na tinatangkilik ng matuwid, Kay sa kasaganaan ng maraming masama. Sapagka't ang mga bisig ng masasama ay mangababali: Nguni't inaalalayan ng Panginoon ang matuwid. Nalalaman ng Panginoon ang kaarawan ng sakdal: At ang kanilang mana ay magiging sa magpakailan man. Hindi sila mangapapahiya sa panahon ng kasamaan: At sa mga kaarawan ng kagutom ay mangabubusog sila. Nguni't ang masama ay mamamatay, At ang mga kaaway ng Panginoon ay magiging gaya ng taba ng mga kordero: Sila'y mangapupugnaw: sa usok mangapupugnaw sila.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa MGA AWIT 37:1-20