Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 24:7-10

MGA AWIT 24:7-10 ABTAG

Itaas ninyo ang inyong mga ulo, Oh kayong mga pintuang-bayan; At kayo'y mangataas, kayong mga walang hanggang pintuan: At ang hari ng kaluwalhatian ay papasok. Sino ang Hari ng kaluwalhatian? Ang Panginoong malakas at makapangyarihan, Ang Panginoong makapangyarihan sa pagbabaka. Itaas ninyo ang inyong mga ulo, Oh kayong mga pintuang-bayan; Oo, magsitaas kayo, kayong mga walang hanggang pintuan: At ang hari ng kaluwalhatian ay papasok. Sino itong Hari ng kaluwalhatian? Ang Panginoon ng mga hukbo, Siya ang Hari ng kaluwalhatian. (Selah)

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa MGA AWIT 24:7-10