Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 23:4-5

MGA AWIT 23:4-5 ABTAG

Oo, bagaman ako'y lumalakad sa libis ng lilim ng kamatayan, Wala akong katatakutang kasamaan; sapagka't ikaw ay sumasa akin: Ang iyong pamalo at ang iyong tungkod, ay nagsisialiw sa akin. Iyong pinaghahandaan ako ng dulang sa harap ko sa harapan ng aking mga kaaway: Iyong pinahiran ang aking ulo ng langis; Ang aking saro ay inaapawan.