Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 22:12-21

MGA AWIT 22:12-21 ABTAG

Niligid ako ng maraming toro; Mga malakas na toro ng Basan ay kumulong sa akin. Sila'y magbubuka sa akin ng kanilang bibig, Na gaya ng sumasakmal at umuungal na leon. Ako'y nabuhos na parang tubig, At lahat ng aking mga buto ay nangapapalinsad: Ang aking puso ay parang pagkit; Natutunaw ito sa loob ko. Ang aking kalakasan ay natuyo na parang bibinga; At ang aking dila ay dumidikit sa aking ngalangala; At dinala mo ako sa alabok ng kamatayan. Sapagka't niligid ako ng mga aso: Kinulong ako ng pulutong ng mga manggagawa ng masama; Binutasan nila ang aking mga kamay at ang aking mga paa. Aking maisasaysay ang lahat ng aking mga buto; Kanilang minamasdan, at pinapansin ako: Hinapak nila ang aking mga kasuutan sa gitna nila, At kanilang pinagsapalaran ang aking kasuutan. Nguni't huwag kang lumayo, Oh Panginoon: Oh ikaw na aking saklolo, magmadali kang tulungan mo ako. Iligtas mo ang aking kaluluwa sa tabak; Ang aking minamahal sa kapangyarihan ng aso. Iligtas mo ako sa bibig ng leon; Oo, mula sa mga sungay ng torong gubat ay sinagot mo ako.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa MGA AWIT 22:12-21