Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Salmo 22:12-21

Salmo 22:12-21 ASND

Napapaligiran ako ng maraming kaaway, na para bang mababangis na mga toro mula sa Bashan. Para rin silang mga leong umaatungal at nakanganga na handa akong lapain. Nawalan ako ng lakas na parang tubig na ibinubuhos, at ang aking mga buto ay parang nalinsad lahat. At nawalan ako ng lakas ng loob, para akong nauupos na kandila. Ang aking kalakasan ay natuyo na parang tigang na lupa, at ang aking dila ay dumidikit sa aking ngala-ngala. O PANGINOON, pinabayaan nʼyo ako sa lupa na parang isang patay. Pinaligiran ako ng mga taong masama na parang mga aso. At binutasan nila ang aking mga kamay at mga paa. Naglalabasan na ang lahat ng aking mga buto, ngunit akoʼy kanilang tinitingnan lamang. Ang aking mga damit ay kanilang pinaghati-hatian sa pamamagitan ng palabunutan. Ngunit kayo, PANGINOON, huwag nʼyo akong lalayuan. Kayo ang aking kalakasan; magmadali kayo at akoʼy tulungan. Iligtas nʼyo ang buhay ko sa espada ng aking mga kaaway na tulad ng mga pangil ng aso, o mga kuko ng leon, o sungay ng toro. Sagutin nʼyo po ang aking dalangin.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Salmo 22:12-21