Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 135

135
Pagpuri sa mga kahangahangang gawa ng Panginoon sa Israel.
1Purihin ninyo ang Panginoon.
Purihin ninyo ang pangalan ng Panginoon;
# Awit 134:1. Purihin ninyo siya, Oh ninyong mga lingkod ng Panginoon:
2Ninyong nagsisitayo sa bahay ng Panginoon.
Sa #Awit 92:13; 116:19. mga looban ng bahay ng ating Dios.
3Purihin ninyo ang Panginoon; sapagka't ang Panginoon ay mabuti:
Magsiawit kayo ng mga pagpuri sa kaniyang pangalan; #Awit 147:1. sapagka't maligaya.
4Sapagka't pinili ng #Deut. 7:6, 7; 10:15. Panginoon para sa kaniya si Jacob,
At ang Israel na kaniyang pinakatanging #Ex. 19:5. kayamanan.
5Sapagka't nalalaman ko #Awit 95:3. na ang Panginoon ay dakila,
At ang ating Panginoon ay higit sa lahat na dios.
6Anomang kinalugdan ng Panginoon, ay kaniyang ginawa,
Sa langit at sa lupa, sa mga dagat, at sa lahat ng mga kalaliman.
7Kaniyang pinailanglang ang mga singaw na mula sa mga wakas ng lupa;
Kaniyang ginagawa ang mga kidlat na ukol sa ulan;
Kaniyang inilalabas ang hangin #Job 38:22. mula sa kaniyang mga ingatang-yaman.
8Na siyang sumakit sa mga panganay sa Egipto,
Sa tao at gayon din sa hayop.
9 # Ex. 7:10-14. Siya'y nagsugo ng mga tanda at mga kababalaghan sa gitna mo, Oh Egipto,
Kay Faraon, at sa lahat niyang mga lingkod.
10 # Awit 136:17-22. Na siyang sumakit sa maraming bansa,
At pumatay sa mga makapangyarihang hari;
11Kay #Blg. 21:21-26, 33-35. Sehon na hari ng mga Amorrheo,
At kay Og na hari sa Basan,
At #Job 12:7-24. sa lahat ng mga kaharian ng Canaan:
12At ibinigay ang kanilang lupain na pinakamana,
Isang pinakamana sa Israel sa kaniyang bayan.
13Ang iyong pangalan, #Awit 102:12. Oh Panginoon, ay magpakailan man;
Ang alaala sa iyo, Oh Panginoon, ay sa lahat ng sali't saling lahi.
14Sapagka't hahatulan ng Panginoon ang kaniyang bayan,
At #Awit 90:13. magsisisi tungkol sa kaniyang mga lingkod.
15 # Hanggang tal. 18; Awit 115:4-8. Ang mga diosdiosan ng mga bansa ay pilak at ginto,
Na gawa ng mga kamay ng mga tao.
16Sila'y may mga bibig, nguni't hindi sila nangagsasalita;
Mga mata ay mayroon sila, ngunit hindi sila nangakakakita;
17Sila'y may mga tainga, nguni't hindi sila nangakakarinig;
At wala mang anomang hinga sa kanilang mga bibig.
18Silang nagsisigawa sa kanila ay magiging gaya nila;
Oo, bawa't tumitiwala sa kanila.
19 # Awit 115:9, 10, 12; 118:2, 3. Oh sangbahayan ni Israel, purihin ninyo ang Panginoon:
Oh sangbahayan ni Aaron, purihin ninyo ang Panginoon:
20Oh sangbahayan ni Levi, purihin ninyo ang Panginoon:
Ninyong nangatatakot sa Panginoon, purihin ninyo ang Panginoon.
21Purihin ang Panginoon mula sa Sion,
# Awit 132:13. Na siyang tumatahan sa Jerusalem.
Purihin ninyo ang Panginoon.

Kasalukuyang Napili:

MGA AWIT 135: ABTAG

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya