Ititingin ko ang aking mga mata sa mga bundok; Saan baga manggagaling ang aking saklolo? Ang saklolo sa akin ay nanggagaling sa Panginoon, Na gumawa ng langit at lupa. Hindi niya titiising ang paa mo'y makilos: Siyang nagiingat sa iyo, ay hindi iidlip. Narito, siyang nagiingat ng Israel Hindi iidlip ni matutulog man. Ang Panginoon ay tagapagingat sa iyo: Ang Panginoon ay lilim mo sa iyong kanan. Hindi ka sasaktan ng araw sa araw, Ni ng buwan man sa gabi. Iingatan ka ng Panginoon sa lahat ng kasamaan; Kaniyang iingatan ang iyong kaluluwa.
Basahin MGA AWIT 121
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng Bersyon: MGA AWIT 121:1-7
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas