MGA AWIT 120
120
Panalangin sa pagliligtas mula sa mga sucab. #Awit 121:134, mga titik. Awit sa mga Pagsampa.
1Sa aking kahirapan ay #Awit 118:5; Jon. 2:2. dumaing ako sa Panginoon,
At sinagot niya ako.
2Iligtas mo ang aking kaluluwa, Oh Panginoon, sa mga sinungaling na labi,
At mula sa magdarayang dila.
3Anong maibibigay sa iyo, at anong magagawa pa sa iyo,
Ikaw na magdarayang dila?
4Mga hasang pana ng makapangyarihan,
At mga baga ng enebro.
5Sa aba ko, na nakikipamayan sa #Gen. 10:2; Ezek. 27:13. Mesech,
Na #Gen. 25:13; Is. 60:7. tumatahan ako sa mga tolda sa Kedar!
6Malaon ng tinatahanan ng aking kaluluwa
Na kasama niyang nagtatanim sa kapayapaan.
7Ako'y sa kapayapaan:
Nguni't pagka ako'y nagsasalita, sila'y sa pakikidigma.
Kasalukuyang Napili:
MGA AWIT 120: ABTAG
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
Ang Biblia © Philippine Bible Society, 1982