Ang nagdaraan, at nakikialam sa pagaaway na hindi ukol sa kaniya, Ay gaya ng humahawak ng aso sa mga tainga. Kung paano ang taong ulol na naghahagis ng mga dupong na apoy, Mga pana, at kamatayan; Gayon ang tao na nagdadaya sa kaniyang kapuwa, At nagsasabi, Hindi ko ba ginagawa sa paglilibang? Sapagka't sa kakulangan ng gatong ay namamatay ang apoy: At kung saan walang mapaghatid-dumapit ay tumitigil ang pagkakaalit. Kung paano ang mga uling sa mga baga, at ang kahoy sa apoy; Gayon ang taong madaldal na nagpapaningas ng pagkakaalit. Ang mga salita ng mapaghatid-dumapit ay parang mga masarap na subo, At nagsisibaba sa mga pinakaloob na bahagi ng tiyan. Mga mapusok na labi at masamang puso Ay parang sisidlang-lupa na nababalot ng dumi ng pilak. Ang nagtatanim ay nagpapakunwari ng kaniyang mga labi, Nguni't siya'y naglalagay ng pagdaraya sa loob niya: Pagka siya'y nagsasalitang mainam, huwag mo siyang paniwalaan; Sapagka't may pitong karumaldumal sa kaniyang puso: Bagaman ang kaniyang pagtatanim ay magtakip ng karayaan, At ang kaniyang kasamaan ay lubos na makikilala sa harap ng kapisanan. Ang humuhukay ng lungaw ay mabubuwal doon: At siyang nagpapagulong ng bato, ay babalikan nito siya. Ang sinungaling na dila ay nagtatanim sa mga sinaktan niya; At ang bibig ng kunwang mapagpuri ay gumagawa ng kapahamakan.
Basahin MGA KAWIKAAN 26
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: MGA KAWIKAAN 26:17-28
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas