Ang nakikialam sa hindi naman niya away, ay gaya ng humahawak sa tainga ng asong nagdaraan. Tulad ng taong ulol na naghahagis ng mga nakakasakit na sandata, mga pana, at kamatayan; gayon ang taong nandaraya sa kanyang kapwa, at nagsasabi, “Ako'y nagbibiro lamang!” Sapagkat sa kakulangan ng gatong ang apoy ay namamatay, at kung saan walang salita ng sitsit ay tumitigil ang alitan. Kung paano ang mga uling sa maiinit na baga, at ang kahoy sa apoy; gayon ang taong palaaway na nagpapaningas ng sigalot. Ang mga salita ng sitsit ay parang mga subong malinamnam, nagsisibaba ang mga ito sa kaloob-looban ng katawan. Ang mapupusok na labi at masamang puso ay parang sisidlang-lupa na nababalot ng dumi ng pilak. Ang namumuhi ay nagkukunwari sa pamamagitan ng mga labi niya, at siya'y naglalagay sa puso niya ng daya. Kapag magiliw siyang magsalita, huwag mo siyang paniwalaan; sapagkat sa kanyang puso ay may pitong karumaldumal. Bagaman ang kanyang pagkamuhi ay matakpan ng kadayaan, ang kanyang kasamaan ay malalantad sa harap ng kapulungan. Ang humuhukay ng balon ay mahuhulog doon, at ang nagpapagulong ng bato ay babalikan niyon. Ang sinungaling na dila ay namumuhi sa kanyang mga sinaktan, at ang bibig ng di-tapat magpuri ay gumagawa ng kasiraan.
Basahin MGA KAWIKAAN 26
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: MGA KAWIKAAN 26:17-28
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas