Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA KAWIKAAN 15:11-20

MGA KAWIKAAN 15:11-20 ABTAG

Sheol at kapahamakan ay nasa harap ng Panginoon: Gaanong higit pa nga ang mga puso ng mga anak ng mga tao! Ayaw ang manglilibak na siya'y sawayin. Siya'y hindi paroroon sa pantas. Ang masayang puso ay nagpapasaya ng mukha: Nguni't sa kapanglawan ng puso ay nababagbag ang diwa. Ang puso niyaong naguunawa ay humahanap ng kaalaman: Nguni't ang bibig ng mga mangmang ay kumakain ng kamangmangan. Lahat ng mga araw sa nagdadalamhati ay masama: Nguni't siyang may masayang puso ay may laging kapistahan. Maigi ang kaunti na may pagkatakot sa Panginoon, Kay sa malaking kayamanan na may kabagabagan. Maigi ang pagkaing gulay na may pagibig, Kay sa matabang baka at may pagtataniman. Ang mainiting tao ay humihila ng pagtatalo: Nguni't siyang makupad sa galit ay pumapayapa ng kaalitan. Ang daan ng tamad ay gaya ng bakuran na mga dawag: Nguni't ang landas ng matuwid ay ginagawang maluwang na lansangan. Ang pantas na anak ay nagpapasaya ng ama: Nguni't hinahamak ng mangmang ang kaniyang ina.