Ang Sheol at ang Abadon ay nakalantad sa PANGINOON; lalong higit pa ang puso ng mga tao! Ayaw ng manlilibak na siya'y maiwasto, siya'y hindi magtutungo sa matalino. Ang masayang puso ay nagpapasaya ng mukha, ngunit sa kapanglawan ng puso ay nababagbag ang diwa. Ang isip ng may unawa ay humahanap ng kaalaman, ngunit ang bibig ng mga hangal ay kumakain ng kahangalan. Lahat ng mga araw ng naaapi ay kasamaan, ngunit siyang may masayahing puso ay laging may kapistahan. Mas mabuti ang kaunti kung may takot sa PANGINOON, kaysa malaking kayamanan na may kaguluhan doon. Mabuti pa ang pagkaing gulay na may pag-ibig, kaysa pinatabang baka na may poot na kalakip. Ang mainiting tao ay nag-uudyok ng pagtatalo, ngunit siyang makupad sa galit ay nagpapahupa ng gulo. Ang daan ng tamad ay napupuno ng mga dawag, ngunit ang landas ng matuwid ay isang lansangang patag. Ang matalinong anak ay nagpapasaya ng ama, ngunit hinahamak ng taong hangal ang kanyang ina.
Basahin MGA KAWIKAAN 15
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: MGA KAWIKAAN 15:11-20
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas