Ang malubay na sagot ay nakapapawi ng poot: Nguni't ang mabigat na salita ay humihila ng galit. Ang dila ng pantas ay nagbabadya ng tuos ng kaalaman: Nguni't ang bibig ng mga mangmang ay nagbubugso ng kamangmangan. Ang mga mata ng Panginoon ay nasa bawa't dako, Na nagbabantay sa masama at sa mabuti. Ang dilang magaling ay punong kahoy ng buhay: Nguni't ang kalikuan niyaon ay kasiraan ng diwa. Hinahamak ng mangmang ang saway ng kaniyang ama: Nguni't siyang nagpapakundangan ng saway ay gumagawang may kabaitan. Sa bahay ng matuwid ay maraming kayamanan: Nguni't sa mga pakinabang ng masama ay kabagabagan. Ang mga labi ng pantas ay nagsasabog ng kaalaman: Nguni't ang puso ng mangmang ay hindi gayon. Ang hain ng masama ay kasuklamsuklam sa Panginoon: Nguni't ang dalangin ng matuwid ay kaniyang kaluguran. Ang lakad ng masama ay kasuklamsuklam sa Panginoon: Nguni't iniibig niya ang sumusunod sa katuwiran. May mabigat na saway sa kaniya, na nagpapabaya ng lakad: At siyang nagtatanim sa saway ay mamamatay.
Basahin MGA KAWIKAAN 15
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: MGA KAWIKAAN 15:1-10
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas