Ang takot sa Panginoon ay pasimula ng kaalaman: Nguni't ang mangmang ay humahamak sa karunungan at turo. Anak ko, dinggin mo ang turo ng iyong ama, At huwag mong pabayaan ang kautusan ng iyong ina: Sapagka't sila'y magiging tali ng biyaya sa iyong ulo, At mga kuwintas sa ligid ng iyong leeg. Anak ko, kung ikaw ay hikayatin ng mga makasalanan, Huwag mong tulutan. Kung kanilang sabihin, Sumama ka sa amin, Tayo'y magsibakay sa pagbububo ng dugo, Tayo'y mangagkubli ng silo na walang anomang kadahilanan sa walang sala; Sila'y lamunin nating buháy na gaya ng Sheol. At buo, na gaya ng nagsibaba sa lungaw; Tayo'y makakasumpong ng lahat na mahalagang pagaari, Ating pupunuin ang ating mga bahay ng samsam; Ikaw ay makikipagsapalaran sa gitna namin; Magkakaroon tayong lahat ng isang supot: Anak ko, huwag kang lumakad sa daan na kasama nila; Pigilin mo ang iyong paa sa kanilang landas: Sapagka't ang kanilang mga paa ay nagsisitakbo sa kasamaan, At sila'y nangagmamadali sa pagbububo ng dugo. Sapagka't walang kabuluhang naladlad ang silo, Sa paningin ng alin mang ibon: At binabakayan ng mga ito ang kanilang sariling dugo, Kanilang ipinagkukubli ng silo ang kanilang sariling mga buhay. Ganyan ang mga lakad ng bawa't sakim sa pakinabang; Na nagaalis ng buhay ng mga may-ari niyaon.
Basahin MGA KAWIKAAN 1
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng Bersyon: MGA KAWIKAAN 1:7-19
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas