Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

NAHUM 2

2
Ang pagkaguho ng Ninive ay itinakda.
1Siyang bumabasag ay sumampa sa harapan mo: ingatan mo ang katibayan, bantayan mo ang daan, palakasin mo ang iyong mga balakang, patibayin mo ang iyong kapangyarihan na mainam,
2Sapagka't ibinabalik ng Panginoon ang #Is. 10:12; Jer. 25:29. karilagan ng Jacob na gaya ng karilagan ng Israel: sapagka't ang mga tagatuyo ay nagsituyo sa kanila, at sinira ang mga sanga ng kanilang mga puno ng ubas.
3Ang kalasag ng kaniyang mga makapangyarihang lalake ay pumula, ang matapang na lalake ay nakapanamit ng matingkad na pula: ang mga karo ay nagsisikislap ng patalim sa kaarawan ng kaniyang paghahanda, at ang mga sibat na abeto ay nagsisigalaw ng kakilakilabot.
4Ang mga karo ay nagsisihagibis sa mga lansangan; nangagkakabanggang isa't isa sa mga daan: ang anyo ng mga yaon ay gaya ng mga sulo; nagsisitakbong parang mga kidlat.
5Naaalaala niya ang kaniyang mga bayani: sila'y nangatitisod sa kanilang paglakad; sila'y nangagmamadali sa kuta niyaon, at ang panakip ay handa.
6Ang mga pintuan ng mga ilog ay bukas, at ang palacio ay nalansag.
7At si Huzab ay nahubdan; siya'y dinala; at ang kaniyang mga alilang babae ay nananaghoy na parang huni ng mga kalapati, na nagsisidagok sa kanilang mga dibdib.
8Datapuwa't ang Ninive mula nang una ay naging parang lawa ng tubig: gayon ma'y nagsisitakas. Tigil kayo, tigil kayo, isinisigaw nila; nguni't walang lumilingon.
9Kunin ninyo ang samsam na pilak, kunin ninyo ang samsam na ginto; sapagka't walang katapusang kayamanan, na kaluwalhatian sa lahat ng maligayang kasangkapan.
10Siya'y tuyo, at walang laman, at wasak; at ang puso ay natutunaw, at ang mga tuhod ay nagkakaumpugan, at ang pagdaramdam ay nasa lahat ng mga balakang, at #Joel 2:6. ang mga mukha nilang lahat ay nangamumutla.
11Saan nandoon ang yungib ng #Jer. 2:15. mga leon, at ang dakong sabsaban ng mga batang leon, na nililibutan ng leon at ng babaeng leon, ng batang leon, at walang tumatakot sa kanila?
12Ang leon ay kumakatay ng sagana para sa kaniyang mga anak, at lumalapa para sa kaniyang mga babaeng leon, at pinupuno ng huli ang kaniyang mga cueba, at ng tangay ang kaniyang mga yungib.
13Narito, ako'y laban sa iyo, #Ezek. 29:3. sabi ng Panginoon ng mga hukbo, at #Awit 46:9. aking susunugin ang kaniyang mga karo sa usok, at lalamunin ng tabak ang iyong mga batang leon; at aking ihihiwalay ang iyong huli sa lupa, at ang tinig ng iyong mga #2 Hari 19:9. sugo ay hindi na maririnig.

Kasalukuyang Napili:

NAHUM 2: ABTAG

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in