At pagkakita sa mga karamihan, ay umahon siya sa bundok: at pagkaupo niya, ay nagsilapit sa kaniya ang kaniyang mga alagad: At binuka niya ang kaniyang bibig at tinuruan sila, na sinasabi, Mapapalad ang mga mapagpakumbabang-loob: sapagka't kanila ang kaharian ng langit. Mapapalad ang nangahahapis: sapagka't sila'y aaliwin. Mapapalad ang maaamo: sapagka't mamanahin nila ang lupa. Mapapalad ang nangagugutom at nangauuhaw sa katuwiran: sapagka't sila'y bubusugin. Mapapalad ang mga mahabagin: sapagka't sila'y kahahabagan. Mapapalad ang mga may malinis na puso: sapagka't makikita nila ang Dios. Mapapalad ang mga mapagpayapa: sapagka't sila'y tatawaging mga anak ng Dios. Mapapalad ang mga pinaguusig dahil sa katuwiran: sapagka't kanila ang kaharian ng langit.
Basahin MATEO 5
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: MATEO 5:1-10
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas