Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MATEO 22:36-40

MATEO 22:36-40 ABTAG

Guro, alin baga ang dakilang utos sa kautusan? At sinabi sa kaniya, Iibigin mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong pagiisip mo. Ito ang dakila at pangunang utos. At ang pangalawang katulad ay ito, Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili. Sa dalawang utos na ito'y nauuwi ang buong kautusan, at ang mga propeta.