Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

LEVITICO 2

2
Ang batas ng handog na kakainin.
1At #Lev. 6:14; 9:17; Blg. 15:4.pagka ang sinoman ay maghahandog sa Panginoon ng alay na handog na harina, ay mainam na harina ang kaniyang iaalay; at kaniyang bubuhusan ng langis, at lalagyan ng kamangyan:
2At dadalhin niya sa mga saserdote, na mga anak ni Aaron; at siya'y kukuha ng isang dakot na mainam na harina at ng langis, sangpu ng buong kamangyan niyaon. At #tal. 9; Lev. 5:12; 6:15; 24:7; Is. 66:3; Gawa 10:4.susunugin ng saserdote sa ibabaw ng dambana na pinakaalaala, na isang handog nga na pinaraan sa apoy na pinakamasarap na amoy sa Panginoon:
3 # Lev. 7:9; 10:12, 13. At ang kalabisan sa handog na harina ay mapapasa kay Aaron at sa kaniyang mga anak: #tal. 10; Ex. 40:10.kabanalbanalang bagay nga sa mga handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy.
4At pagka ikaw ay maghahandog ng alay na handog na harina na luto sa hurno, ay mga munting tinapay na walang lebadura ang iaalay mo na mainam na harina, na hinaluan ng langis, #Ex. 29:2.o mga manipis na tinapay na walang lebadura, na hinaluan ng langis.
5At kung ang iyong alay ay handog na harina, na luto sa kawali, ay mainam na harina ang iaalay mo na walang lebadura, na hinaluan ng langis.
6Iyong pagpuputolputulin, at bubuhusan mo ng langis: isa ngang handog na harina.
7At kung ang iyong alay ay handog na harina na luto sa kawaling bakal, ay yari sa mainam na harina na may langis ang iaalay mo.
8At dadalhin mo sa Panginoon ang handog na harina na yari sa mga bagay na ito: at ihaharap sa saserdote at dadalhin niya sa dambana.
9At kukuha ang saserdote ng handog na harina, #tal. 2.na pinakaalaala rin niyaon, at susunugin sa ibabaw ng dambana: handog ngang pinaraan sa apoy, na pinakamasarap na amoy sa Panginoon.
10 # tal. 3. At ang kalabisan sa handog na harina ay mapapasa kay Aaron at sa kaniyang mga anak; kabanalbanalang bagay nga sa mga handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy.
11Walang handog na harina na ihahandog kayo sa Panginoon, na #Lev. 6:17; Mat. 16:12; Mar. 8:15; Luc. 12:1; 1 Cor. 5:8; Gal. 5:9.magkakalebadura: sapagka't huwag kayong magsusunog ng anomang lebadura ni ng anomang pulot na pinaka handog, sa Panginoon, na pinaraan sa apoy.
12 # Ex. 23:19. Bilang pinakaalay na mga pangunang bunga ihahandog ninyo sa Panginoon: nguni't hindi sasampa sa dambana na parang masarap na amoy.
13At titimplahan mo #Mar. 9:49; Col. 4:6.ng asin ang lahat ng alay na iyong handog na harina, ni huwag mong titiising magkulang #Blg. 18:19.sa iyong handog na harina #2 Cron. 13:15; Ezek. 43:24.ng asin ng tipan ng iyong Dios: lahat ng alay mo'y ihahandog mong may asin.
14At kung maghahandog ka sa Panginoon ng handog na harina na pangunang bunga, ay ihahandog mong pinaka handog na harina ng iyong pangunang bunga ay #Lev. 23:10, 14.sinangag sa apoy, mga murang butil na pinipi.
15At #tal. 1.bubuhusan mo ng langis yaon, at lalagyan mo sa ibabaw ng kamangyan: yaon nga'y handog na harina.
16At susunugin ng saserdote #tal. 2.na nakaalaala niyaon, ang bahagi ng butil na pinipi at ang bahagi ng langis, pati ng buong kamangyan niyaon: handog nga sa Panginoon na pinaraan sa apoy.

Kasalukuyang Napili:

LEVITICO 2: ABTAG

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in