Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

JOSUE 9

9
Ang mga Cananeo ay humanda sa pakikipagbaka. Ang katusuhan ng mga Gabaonita.
1At nangyari, nang mabalitaan ng lahat ng hari na nangasa dako roon ng Jordan sa lupaing #Deut. 1:7. maburol, at sa mga kapatagan, at sa lahat ng baybayin ng #Blg. 34:6.malaking dagat sa tapat ng Libano, ng #Deut. 27:4, 5.Hetheo, at ng Amorrheo, ng Cananeo, ng Pherezeo, ng Heveo, at ng Jebuseo;
2 # Awit 83:3, 5. Ay nagpipisan upang labanan si Josue at ang Israel, na may pagkakaisa.
3Nguni't #Jos. 6:27.nang mabalitaan ng mga taga #Jos. 10:2, 10, 12; 18:25; 2 Sam. 21:1, 2.Gabaon ang ginawa ni Josue sa Jerico at sa Hai,
4Ay gumawa naman silang may katusuhan at yumaon at nagpakunwaring sila'y mga sugo, at nagpasan ng mga lumang bayong sa kanilang mga asno at mga sisidlang balat ng alak na luma, at punit at tinahi;
5At mga tagpi-tagping pangyapak na nakasuot sa kanilang mga paa, at ng mga lumang bihisan na suot nila; at ang lahat na tinapay na kanilang baon ay tuyo at inaamag.
6At sila'y nagsiparoon kay #Jos. 5:10.Josue sa kampamento sa Gilgal, at nangagsabi sa kaniya at sa mga lalake ng Israel, Kami ay mula sa malayong lupain: ngayon nga'y makipagtipan kayo sa amin.
7At sinabi ng mga lalake ng Israel sa mga #Jos. 11:19.Heveo, Marahil kayo'y nananahang kasama namin; #Deut. 7:2.at paanong kami ay makikipagtipan sa inyo?
8At kanilang sinabi kay Josue, #tal. 11; 2 Hari 10:5.Kami ay iyong mga lingkod. At sinabi ni Josue sa kanila, Sino kayo at mula saan kayo?
9At sinabi nila sa kaniya, Mula sa totoong malayong lupain #Deut. 20:15.ang iyong mga lingkod, dahil sa pangalan ng Panginoon mong Dios: sapagka't aming nabalitaan ang #Jos. 2:10; 6:27.kabantugan niya, at ang lahat niyang ginawa sa Egipto,
10At lahat ng kaniyang ginawa sa dalawang hari ng mga Amorrheo, na nasa dako roon ng Jordan, kay Sehon na hari sa Hesbon, at kay Og, na hari sa Basan, na nasa #Deut. 1:4; Jos. 1:4; 1 Cron. 6:71.Astaroth.
11At ang aming mga matanda at ang lahat na tagaroon sa aming lupain ay nagsalita sa amin, na sinasabi, Magbaon kayo sa inyong kamay ng maipaglalakbay, at yumaon kayo na salubungin ninyo sila, at inyong sabihin sa kanila, Kami ay inyong mga lingkod: at ngayo'y makipagtipan kayo sa amin.
12Itong aming tinapay ay kinuha naming mainit na pinakabaon namin mula sa aming mga bahay nang araw na kami ay lumabas na patungo sa inyo; nguni't ngayon, narito, tuyo at inaamag:
13At ang mga sisidlang balat ng alak na ito na aming pinuno ay bago; at, narito, mga hapak: at itong aming mga bihisan at aming mga pangyapak ay naluma dahil sa totoong mahabang paglalakbay.
14At kumuha ang mga tao sa Israel ng kanilang baon, at #Blg. 27:21.hindi humingi ng payo sa bibig ng Panginoon.
15At si Josue ay #Jos. 11:19; 2 Sam. 21:2. nakipagpayapaan sa kanila at nakipagtipan sa kanila, na pabayaan silang mabuhay: at ang mga prinsipe ng kapisanan ay sumumpa sa kanila.
16At nangyari, sa katapusan ng tatlong araw, pagkatapos na sila'y makapagtipanan sa kanila, na kanilang nabalitaan na sila'y kanilang kalapit bayan, at sila'y nananahang kasama nila.
17At ang mga anak ni Israel ay naglakbay, at naparoon sa kanilang mga bayan sa ikatlong araw. #Jos. 18:25, 26, 28; Ezra 2:25.Ang kanila ngang mga bayan ay Gabaon, Caphira, at Beeroth, at #Jos. 15:9, 60; Huk. 18:12; 1 Sam. 6:21; 7:1. Kiriath-jearim.
18At hindi sila sinaktan ng mga anak ni Israel, sapagka't ang mga prinsipe ng kapisanan ay sumumpa sa kanila sa pangalan ng Panginoon, ng Dios ng Israel. At inupasala ng buong kapisanan ang mga prinsipe.
19Nguni't sinabi ng lahat ng mga prinsipe sa buong kapisanan, Kami ay sumumpa sa kanila sa pangalan ng Panginoon, ng Dios ng Israel: ngayon nga'y hindi natin magagalaw sila.
20Ito ang ating gagawin sa kanila at sila'y ating pababayaang mabuhay; #2 Sam. 21:1, 2, 6; Ezek. 17:18, 19; Zac. 5:3, 4; Mal. 3:5.baka ang pagiinit ay sumaatin dahil sa sumpa na ating isinumpa sa kanila.
21At sinabi ng mga prinsipe sa kanila, Pabayaan silang mabuhay: sa gayo'y sila'y naging #Deut. 29:11. mamumutol ng kahoy at mananalok ng tubig sa buong kapisanan; gaya ng sinalita ng mga prinsipe sa kanila.
Ang Gabaon ay naging alipin.
22At ipinatawag sila ni Josue, at nagsalita siya sa kanila, na sinasabi, Bakit kayo'y nagdaya sa amin na nagsasabi, Kami ay totoong malayo sa inyo; #tal. 6, 9.dangang nananahan kayong kasama namin?
23Ngayon nga'y #Gen. 9:25.sumpain kayo, at hindi mawawalan sa inyo kailan man ng mga alipin, ng mamumutol ng kahoy at gayon din ng mananalok ng tubig sa bahay ng aking Dios.
24At sila'y sumagot kay Josue, at nagsabi, Sapagka't tunay na nasaysay sa iyong mga lingkod, kung paanong #Deut. 7:1, 2.iniutos ng Panginoon ninyong Dios kay Moises na kaniyang lingkod na ibibigay sa inyo ang buong lupain, at inyong lilipulin ang lahat na nananahan sa lupain sa harap ninyo; kaya't #Ex. 15:14.ikinatakot naming mainam ang aming buhay dahil sa inyo, at aming ginawa ang bagay na ito.
25At ngayon, narito, kami ay #Gen. 16:6. nasa iyong kamay: kung ano ang inaakala mong mabuti at matuwid na gawin sa amin, ay gawin mo.
26At gayon ang ginawa niya sa kanila, at iniligtas niya sila sa kamay ng mga anak ni Israel, na hindi sila pinatay.
27At ginawa sila ni Josue nang araw na yaon na mga mamumutol ng kahoy at mga mananalok ng tubig sa kapisanan, at sa dambana ng Panginoon, hanggang sa araw na ito, sa dakong kaniyang #Deut. 12:5.pipiliin.

Kasalukuyang Napili:

JOSUE 9: ABTAG

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in