Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

JOSUE 23

23
Ang pamamaalam na talumpati ni Josue.
1At nangyari pagkaraan ng maraming araw, nang mabigyan ng #Jos. 21:44; 22:4.Panginoon ng kapahingahan ang Israel sa lahat nilang mga kaaway sa palibot, at si Josue ay matanda #Jos. 13:1.na at puspos ng mga taon;
2Na tinawag ni Josue #Deut. 31:28; Jos. 24:1.ang buong Israel, ang kanilang mga matanda, at ang kanilang mga pangulo, at ang kanilang mga hukom at ang kanilang mga #Jos. 1:10.pinuno, at sinabi sa kanila, Ako'y matanda na at puspos ng mga taon:
3At inyong nakita ang lahat na ginawa ng Panginoon ninyong Dios sa lahat ng bansang ito dahil sa inyo; #Ex. 14:14.sapagka't ipinakipaglaban kayo ng Panginoon ninyong Dios.
4Narito, aking binahagi #Jos. 13:6.sa inyo ang mga bansang ito na nangalabi, upang maging mana sa inyong mga lipi, mula sa Jordan pati ng lahat na bansa na aking inihiwalay, hanggang sa #Jos. 15:12.malaking dagat na dakong nilulubugan ng araw.
5At itataboy sila ng Panginoon ninyong Dios mula sa harap ninyo, at palalayasin sila sa inyong paningin, at inyong aariin ang kanilang lupain na #Blg. 33:53.gaya ng sinalita ng Panginoon ninyong Dios sa inyo.
6 # Jos. 1:7. Kaya't kayo'y magpakatapang na mabuti na ingatan at gawin ang lahat na nakasulat sa aklat ng kautusan ni Moises #Deut. 5:32.na huwag kayong lumiko sa kanan o sa kaliwa;
7 # Ex. 23:33; Deut. 7:2, 3. Na huwag kayong pumasok sa mga bansang ito, sa mga ito na nangalalabi sa gitna ninyo; #Ex. 23:13; Jer. 5:7.huwag din ninyong banggitin ang pangalan ng kanilang mga dios, ni magpasumpa sa pangalan ng mga yaon, ni maglingkod sa mga yaon, ni yumukod sa mga yaon:
8Kundi lumakip kayo sa Panginoon ninyong Dios, na gaya ng inyong ginawa hanggang sa araw na ito.
9Sapagka't pinalayas ng Panginoon sa harap ninyo ang mga malaking bansa at malakas: nguni't tungkol sa inyo, ay #Jos. 10:8; 21:44.walang tao na tumayo sa harap ninyo hanggang sa araw na ito.
10 # Huk. 3:31; 15:15; 2 Sam. 23:8. Isang lalake sa inyo ay hahabol sa isang libo: sapagka't ipinakikipaglaban kayo ng Panginoon ninyong Dios, gaya ng sinalita niya sa inyo.
11Magpakaingat nga kayong mabuti sa inyong sarili, na inyong ibigin ang Panginoon ninyong Dios.
12Kung inyo ngang tatalikuran sa anomang paraan at lalakip sa nangalabi sa mga bansang ito, sa mga ito na nangalabi sa gitna ninyo, #Ex. 34:16.at kayo'y magaasawa sa kanila, at kayo'y lalakip sa kanila, at sila sa inyo:
13Ay tatalastasin ninyong lubos #Huk. 2:3, 21; Jos. 13:6.na hindi pa palalayasin ng Panginoon ninyong Dios ang mga bansang ito sa inyong paningin: kundi sila'y magiging silo at lalang #Blg. 33:55; 1 Hari 11:4.sa inyo, at panghampas sa inyong tagiliran at mga tinik sa inyong mga mata hanggang sa kayo'y malipol dito sa mabuting lupain na ibinigay sa inyo ng Panginoon ninyong Dios.
14At, narito, sa araw na ito #1 Hari 2:2.ay yumayaon ako sa lakad ng buong lupa: at inyong talastas sa inyong buong puso at sa inyong buong kaluluwa #Jos. 21:45.na walang bagay na nagkulang sa lahat na mga mabuting bagay na sinalita ng Panginoon ninyong Dios tungkol sa inyo; lahat ay nangyari sa inyo, wala kahit isang bagay na nagkulang.
15At mangyayari, na kung paanong ang lahat ng mga mabuting bagay ay nangyari sa inyo na sinalita sa inyo ng Panginoon ninyong Dios, ay gayon dadalhin ng Panginoon sa inyo ang lahat ng mga masamang bagay, hanggang sa kayo'y malipol niya dito sa mabuting lupain na ibinigay sa inyo ng Panginoon ninyong Dios.
16Pagka #Deut. 17:2.inyong sinalangsang ang tipan ng Panginoon ninyong Dios, na kaniyang iniutos sa inyo, at yumaon at naglingkod sa ibang mga dios at yumukod sa mga yaon; ang galit nga ng Panginoon ay magaalab laban sa inyo, at kayo'y malilipol na madali sa mabuting lupain na kaniyang ibinigay sa inyo.

Kasalukuyang Napili:

JOSUE 23: ABTAG

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in