Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

JOB 18

18
Pinagsalitaan siya ni Bildad. Inilahad ang panganib ng makasalanan.
1Nang magkagayo'y sumagot si #Job 2:11. Bildad na Suhita, at nagsabi,
2Hanggang kailan manghuhuli kayo ng mga salita?
Inyong bulayin, at pagkatapos ay magsasalita kami.
3Bakit kami nangabibilang #Awit 73:22. na parang mga hayop,
At naging marumi sa iyong paningin?
4Ikaw na nagpapakabagbag sa iyong galit,
Pababayaan ba ang lupa dahil sa iyo?
O babaguhin ba ang bato mula sa kinaroroonan?
5Oo, #Kaw. 13:9; 20:20; 24:20. ang ilaw ng masama ay papatayin,
At ang liyab ng kaniyang apoy ay hindi liliwanag.
6Ang ilaw ay magdidilim sa kaniyang tolda,
At ang kaniyang ilawan sa itaas niya ay papatayin.
7Ang mga hakbang ng kaniyang kalakasan ay mapipigil,
# Job 5:13. At ang kaniyang sariling payo ang magbabagsak sa kaniya.
8Sapagka't siya'y inihagis sa #Awit 9:15. lambat ng kaniyang sariling mga paa,
At siya'y lumalakad sa mga silo.
9Isang panghuli ang huhuli sa kaniya sa mga sakong.
# Job 5:5. At isang silo ay huhuli sa kaniya.
10Ang panali ay nakakubli ukol sa kaniya sa lupa,
At isang patibong na ukol sa kaniya ay nasa daan.
11Mga kakilabutan ay tatakot sa kaniya #Job 15:21; 20:25. sa lahat ng dako,
At hahabol sa kaniya sa kaniyang mga sakong.
12Ang kaniyang kalakasan ay manglalata sa gutom,
At ang kapahamakan ay mahahanda sa kaniyang tagiliran.
13Susupukin ang mga sangkap ng kaniyang katawan,
Oo, lalamunin ng panganay ng kamatayan ang kaniyang mga #Job 17:16. sangkap.
14Siya'y ilalabas sa kaniyang tolda na kaniyang tinitiwalaan;
At siya'y dadalhin sa #Apoc. 9:11. hari ng mga kakilabutan.
15Tatahan sa kaniyang tolda yaong di niya kaanoano:
Azufre ay makakalat sa kaniyang tahanan.
16Ang kaniyang mga ugat ay mangatutuyo #Job 29:19; Is. 5:24. sa ilalim,
At sa ibabaw ay puputulin ang kaniyang sanga.
17 # Awit 34:16; Kaw. 10:7. Ang alaala sa kaniya ay mawawala sa lupa,
At siya'y mawawalan ng pangalan sa lansangan.
18Siya'y ihahatid sa kadiliman mula sa liwanag,
At itatapon sa labas ng sanglibutan.
19Siya'y hindi magkakaroon kahit anak, ni anak man ng anak sa gitna ng kaniyang bayan,
Ni anomang nalabi sa kaniyang pinakipamayanan.
20Silang nagsisidating pagkatapos ay mangatitigilan sa #Awit 37:13. kaniyang kaarawan,
Gaya ng nangauna na nangatakot.
21Tunay na ganyan ang mga tahanan ng mga liko,
At ito ang kalalagyan niya na hindi nakakakilala sa Dios.

Kasalukuyang Napili:

JOB 18: ABTAG

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in