Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

ISAIAS 9

9
Kapanganakan at paghahari ng prinsipe ng kapayapaan.
1Gayon man ay #Is. 8:22. hindi magkakaroon ng paguulap sa kaniya na nasa kahapisan. #2 Cron. 16:4; 1 Cron. 5:26; 2 Hari 15:29. Nang unang panahon ay dinala niya sa pagkawalang kabuluhan ang #Mat. 4:15, 16. lupain ng Zabulon at ang lupain ng Nephtali, nguni't sa huling panahon ay ginawa niyang maluwalhati, sa daang patungo sa dagat, sa dako roon ng Jordan, ng Galilea ng mga bansa.
2Ang #Ef. 5:8, 14. bayan na #Luc. 1:79. lumalakad sa kadiliman ay nakakita ng dakilang liwanag: silang nagsisitahan sa lupain ng lilim ng kamatayan, sa kanila sumilang ang liwanag.
3 # Is. 26:15. Iyong pinarami ang bansa, iyong pinalago ang kanilang kagalakan: sila'y nangagagalak sa harap mo ayon sa kagalakan sa pagaani, gaya ng mga tao na nangagagalak pagka nangagbabahagi ng samsam.
4Sapagka't ang pamatok na kaniyang #Is. 10:27. pasan, at ang pingga sa kaniyang balikat, ang panghampas ng mamimighati sa kaniya, ay iyong sinira na gaya sa kaarawan ng #Huk. 7:22. Madian.
5Sapagka't ang lahat na sakbat ng nasasakbatang tao sa kaguluhan, at ang mga kasuutang puno ng dugo ay magiging para sa pagkasunog, para sa mitsa ng apoy.
6Sapagka't sa atin ay ipinanganak ang #Luc. 2:11. isang bata, sa atin ay ibinigay ang isang #Is. 7:14. anak na lalake; at ang #Mat. 28:18. pamamahala ay maaatang sa kaniyang balikat: at ang kaniyang pangalan ay tatawaging #Apoc. 16:9, 11, 21. Kamanghamangha, Tagapayo, Makapangyarihang Dios, Walang hanggang Ama, #Ef. 2:14. Pangulo ng Kapayapaan.
7Ang paglago ng kaniyang pamamahala at ng kapayapaan ay #Awit 89:4. hindi magkakaroon ng wakas, sa luklukan ni David, at sa kaniyang kaharian, upang itatag, at #Jer. 23:5. upang alalayan ng kahatulan at ng katuwiran mula ngayon hanggang sa magpakailan man. Isasagawa ito ng #2 Hari 19:31; Is. 37:32. sikap ng Panginoon ng mga hukbo.
8Nagpasabi ang Panginoon sa Jacob, at naliliwanagan ang Israel,
9At malalaman ng buong bayan ng #Is. 7:2, etc.Ephraim, at ng nananahan sa #Is. 7:9. Samaria, na nagsasabi sa kapalaluan at sa pagmamatigas ng ulo,
10Ang mga laryo ay nangahulog, nguni't aming itatayo ng tinabas na bato: ang mga sikomoro ay nangaputol, nguni't aming papalitan ng mga cedro.
11Kaya't itataas ng Panginoon laban sa kaniya ang mga kaaway ng #Is. 7:1. Rezin, at manghihikayat ng kaniyang mga kaalit;
12 # 2 Hari 16:6. Ang mga taga Siria sa unahan, at ang mga #2 Cron. 28:18. Filisteo sa likuran; at kanilang lalamunin ang Israel ng bukang bibig. #tal. 17, 21; Is. 5:25; 10:4. Sa lahat na ito ang kaniyang galit ay hindi napawi, kundi ang kaniyang kamay ay laging nakaunat.
13Gayon ma'y #Os. 7:10. ang bayan ay hindi nagbalik-loob sa kaniya na sumakit sa kanila, o hinanap man nila ang Panginoon ng mga hukbo.
14Kaya't puputulin ng Panginoon sa Israel ang ulo't buntot, ang sanga ng palma at ang tambo, #Is. 10:17. sa isang araw.
15Ang matanda at ang marangal na tao, siyang ulo; at ang propeta na nagtuturo ng mga kabulaanan, siyang buntot.
16Sapagka't silang nagsisipatnubay ng bayang ito ay siyang nangagliligaw; at silang pinapatnubayan ay nangapapahamak.
17Kaya't ang Panginoon ay hindi magagalak sa kanilang mga binata, ni mahahabag man sa kanilang mga ulila at mga babaing bao: sapagka't bawa't isa ay #Is. 10:6. marumi at manggagawa ng kasamaan, at bawa't bibig ay nagsasalita ng kamangmangan. #tal. 12. Sa lahat na ito ang galit niya ay hindi napawi, kundi ang kaniyang kamay ay laging nakaunat.
18Sapagka't ang kasamaan ay #Is. 10:17, 18; Mal. 4:1. sumusunog na gaya ng apoy; pumupugnaw ng mga dawag at mga tinikan: oo, nagaalab na sa siitan sa gubat, at umiilanglang na paitaas sa mga masinsing ulap na usok.
19Sa poot ng Panginoon ng mga hukbo ay nasusunog ang lupain: ang bayan naman ay gaya ng panggatong sa apoy; #Mik. 7:2, 6. walang taong mahahabag sa kaniyang kapatid.
20At isa'y susunggab ng kanang kamay, at magugutom; at kakain ng kaliwa, #Lev. 26:26. at hindi sila mabubusog: sila'y magsisikain #Is. 49:26. bawa't isa ng laman ng kaniyang sariling bisig:
21 # Huk. 8:1. Ang Manases, ay kakanin ang Ephraim; at ang Ephraim, ay ang Manases: at #2 Cron. 28:6-8. sila kapuwa ay magiging laban sa Juda. #tal. 12. Sa lahat na ito ang galit niya ay hindi napawi, kundi ang kaniyang kamay ay laging nakaunat.

Kasalukuyang Napili:

ISAIAS 9: ABTAG

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya