Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

ISAIAS 61

61
Ang pagkakataas ng mga nagbabata.
1Ang #Luc. 4:18, 19. Espiritu ng Panginoong Dios ay sumasa akin; #Awit 45:7. sapagka't pinahiran ako ng Panginoon upang #Mar. 1:38. ipangaral ang mabubuting balita sa mga #Is. 29:19. maamo; kaniyang sinugo ako upang #Awit 147:3; Is. 57:15. magpagaling ng mga bagbag na puso, #Lev. 25:10. upang magtanyag ng kalayaan sa mga bihag, at magbukas ng bilangguan sa nangabibilanggo;
2 # Lev. 25:9. Upang magtanyag ng kalugodlugod na taon ng Panginoon, at #Is. 34:8; 66:14; Mat. 4:1, 3; 2 Tes. 1:7, 8, 9. ng kaarawan ng panghihiganti ng ating Dios; #Is. 57:18. upang aliwin yaong lahat na nagsisitangis;
3Upang iukol sila na nagsisitangis sa Sion, #Awit 30:11. upang bigyan sila ng putong na bulaklak na kahalili ng mga abo, ng #Awit 45:7. langis ng kagalakan na kahalili ng pagtangis, ng damit ng kapurihan na kahalili ng kabigatan ng loob; upang sila'y matawag na mga #Is. 57:5. punong kahoy ng katuwiran, na #Is. 60:21. pananim ng Panginoon upang siya'y luwalhatiin.
4 # Is. 49:8; Ezek. 36:10; 33:36. At sila'y magtatayo ng mga dating sira, sila'y magbabangon ng mga dating giba, at kanilang huhusayin ang mga sirang bayan, ang mga nagiba sa maraming sali't saling lahi.
5At ang mga taga ibang lupa #Ef. 2:12. ay magsisitayo at mangagpapastol ng inyong mga kawan, at ang mga taga ibang lupa ay magiging inyong mga mangaararo at mangungubasan.
6 # Ezek. 19:6; Is. 66:21; 1 Ped. 2:9. Nguni't kayo'y tatawaging mga saserdote ng Panginoon; tatawagin kayo ng mga tao na mga tagapangasiwa ng ating Dios: #Is. 60:5, 6, 11, 16. kayo'y magsikain ng kayamanan ng mga bansa, at sa kanilang kaluwalhatian ay mangagmamapuri kayo.
7Kahalili ng #Is. 40:2; Zac. 9:12. inyong kahihiyan ay nagtatamo kayo ng ibayong karangalan; at kahalili ng pagkalito ay magagalak sila sa kanilang bahagi: kaya't sa kanilang lupain ay mangagaari sila ng ibayong kasaganaan, walang hanggang kagalakan ang mapapasa kanila.
8Sapagka't ako, ang Panginoon, ay umiibig ng kahatulan, #Is. 1:11; 13; Mal. 1:13. aking ipinagtatanim ang pagnanakaw sangpu ng kasamaan; at aking ibibigay sa kanila ang kanilang kagantihan sa katotohanan, at ako'y makikipagtipan sa kanila ng walang hanggan.
9 # Is. 54:3. At ang kanilang lahi makikilala sa gitna ng mga bansa, at ang kanilang lahi sa gitna ng mga bayan: lahat na nangakakakita sa kanila ay mangakakakilala sa kanila, na sila ang lahi na pinagpala ng Panginoon.
10Ako'y magagalak na mainam sa Panginoon, ang aking kaluluwa ay magagalak sa aking Dios; sapagka't binihisan niya #Awit 132:9, 16. ako ng mga damit ng kaligtasan; kaniyang tinakpan ako ng balabal ng katuwiran, #Is. 49:18; Apoc. 21:2. gaya ng kasintahang lalake na nagpuputong ng putong na bulaklak, at gaya ng kasintahang babae na naggagayak ng kaniyang mga hiyas.
11Sapagka't kung paanong ang lupa'y nagsisibol ng pananim, at kung paanong ang halamanan ay nagsisibol ng mga bagay na natanim sa kaniya; gayon pasisibulin ng Panginoong Dios ang katuwiran at kapurihan sa harap ng lahat na bansa.

Kasalukuyang Napili:

ISAIAS 61: ABTAG

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in