Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

ISAIAS 55

55
Ang walang bayad na kahabagan sa lahat.
1Oh lahat #Juan 7:37. na nangauuhaw, magsiparito kayo sa tubig at siyang walang salapi; magsiparito kayo, kayo'y magsibili, at magsikain; oo, kayo'y magsiparito, kayo'y magsibili ng alak at gatas #Mat. 10:8. ng walang salapi at walang bayad.
2 # Juan 6:27. Ano't kayo'y nangaggugugol ng salapi sa hindi pagkain? at ng inyong gawa sa hindi nakabubusog? inyong pakinggan ako, at magsikain kayo ng mabuti, at mangalugod kayo sa katabaan.
3Inyong ikiling ang inyong tainga, at #Mat. 11:28. magsiparito kayo sa akin; kayo'y magsipakinig, at ang inyong kaluluwa ay mabubuhay: at ako'y #Is. 61:8. makikipagtipan sa inyo ng walang hanggan, sa makatuwid baga'y ng tunay #Awit 89:1, 28, 49. na mga kaawaan ni David.
4Narito, ibinigay ko siya na #Juan 18:37; Apoc. 1:5. pinakasaksi sa mga bayan, na patnubay at tagapagutos sa mga bayan.
5Narito, ikaw ay tatawag ng bansa #Is. 52:15; Ef. 2:11, 12. na hindi mo nakikilala; at bansa na hindi ka nakikilala ay tatakbo sa iyo, dahil sa Panginoon mong Dios, at dahil sa Banal ng Israel; #Is. 60:9. sapagka't kaniyang niluwalhati ka.
6 # Mat. 5:25; Luc. 13:25; Juan 7:34; 2 Cor. 6:2; Heb. 2:13. Inyong hanapin ang Panginoon samantalang siya'y masusumpungan, magsitawag kayo sa kaniya samantalang siya'y malapit:
7Lisanin ng masama ang kaniyang lakad, at ng liko ang kaniyang mga pagiisip; at manumbalik siya sa Panginoon, at kaaawaan niya siya; at sa aming Dios, sapagka't #Awit 130:7. siya'y magpapatawad ng sagana.
8Sapagka't ang aking mga pagiisip ay hindi ninyo mga pagiisip, o ang inyo mang mga lakad ay aking mga lakad, sabi ng Panginoon.
9Sapagka't kung paanong ang langit ay lalong mataas #Awit 103:11. kay sa lupa, gayon ang aking mga lakad ay lalong mataas kay sa inyong mga lakad, at ang aking mga pagiisip kay sa inyong mga pagiisip.
10Sapagka't #Deut. 32:2. kung paanong ang ulan ay lumalagpak at ang niebe ay mula sa langit, at hindi bumabalik doon, kundi dinidilig ang lupa, at pinasisibulan at pinatutubuan ng halaman, at nagbibigay ng #2 Cor. 9:10. binhi sa maghahasik at pagkain sa mangangain;
11Magiging gayon ang aking salita #Is. 54:9. na lumalabas sa bibig ko: hindi babalik sa akin na walang bunga, kundi gaganap ng kinalulugdan ko, at giginhawa sa bagay na aking pinagsuguan.
12Sapagka't kayo'y magsisilabas na may kagalakan, at papatnubayang may kapayapaan: ang mga bundok at ang mga burol ay #Is. 35:10. magsisibulas ng pagawit sa harap ninyo, at ipapakpak ng lahat #Awit 98:8. na punong kahoy sa parang ang kanilang mga kamay.
13Kahalili ng #Is. 41:9. tinik ay tutubo ang puno ng abeto; at kahalili ng dawag ay tutubo ang arayan: at sa Panginoon ay magiging #Jer. 13:1. pinaka pangalan, pinaka walang hanggang tanda na hindi mapaparam.

Kasalukuyang Napili:

ISAIAS 55: ABTAG

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya