ISAIAS 27
27
Ang ubasan ng Panginoon.
1 # tal. 2, 12, 13; Is. 2:11. Sa araw na yaon ay parurusahan ng Panginoon, ng kaniyang matigas at malaki at matibay na tabak #Awit 74:13, 14. ang leviatan na maliksing ahas, at ang leviatan na lumilikaw na ahas, at kaniyang papatayin #Is. 51:9; Apoc. 12:3. ang buwaya na nasa dagat.
2Sa araw na yaon: #Is. 5:1; 26:1. Awitin ninyo sa kaniya ang tungkol sa isang #Awit 80:8; Is. 1:22. ubasang pinagkunan ng alak.
3Akong Panginoon ang nagiingat; aking didiligin #Awit 121:4, 5. tuwituwina: baka saktan ng sinoman, aking iingatan gabi't araw.
4Kagalitan ay hindi sumasa akin: kung #Is. 9:18. makipagbaka sana ang mga dawag at mga tinik laban sa akin! akin yaong yayapakan, aking susunuging magkakasama.
5O manghawak sana siya sa #Is. 25:4. aking lakas, upang siya'y makipagpayapaan sa akin; oo, makipagpayapaan siya sa akin.
6Sa mga araw na darating ay #Is. 37:31; Os. 14:4. maguugat ang Jacob; ang Israel ay mamumulaklak at magbubuko: at pupunuin nila ng bunga ang ibabaw ng sanglibutan.
7Sinaktan baga niya siya na gaya ng pagsakit niya sa mga yaon, na nanakit sa kaniya? o pinatay siya ng ayon sa pagpatay nila, na napatay niya?
8Sa sukat, pagka iyong pinayayaon siya, ikaw ay nakikipagtalo sa kaniya; kaniyang binago siya ng kaniyang pagispis na hihip sa kaarawan ng silanganang hangin.
9Kaya't sa pamamagitan nito ay malilinis ang kasamaan ng Jacob, at ito ang buong bunga ng pagaalis ng kaniyang kasalanan: pagka kaniyang ginagawa ang mga bato ng dambana na gaya ng mga malambot na batong naluluray upang #2 Hari 23:6-14; Is. 17:8. ang mga Asera at ang mga larawang araw ay hindi na matatayo.
10Sapagka't ang bayang nakukutaan ay nagiisa, isang tahanang #Is. 2:11. pinabayaan at iniwanan gaya ng ilang: doon manginginain ang guya, at doon hihiga, at kakainin ang mga sanga niyaon.
11Pagka ang mga sanga niyaon ay nangatuyo, babaliin; paroroonan ng mga babae at igagatong sa apoy: #Deut. 32:28; Jer. 8:7. sapagka't bayan na walang unawa; kaya't ang gumawa #Deut. 36:6; Is. 17:7. sa kanila ay hindi magdadalang habag sa kanila, at ang naganyo sa kanila ay hindi magpapakita sa kanila ng lingap.
12At mangyayari sa araw na yaon, na lalagasin ng Panginoon ang bunga niyaon mula sa agos #Is. 11:15. ng ilog #2 Cron. 7:8. hanggang sa batis ng Egipto, at kayo'y mapipisang isa isa, Oh kayong mga anak ni Israel.
13At mangyayari sa araw na yaon, #Lev. 25:9; Mat. 24:31; Apoc. 11:15. na ang malaking pakakak ay hihipan; at silang nangapapahamak sa lupain ng Asiria ay magsisiparito, at #Is. 16:3. silang mga tapon sa lupain ng Egipto; #Is. 2:2; Zac. 14:16. at sila'y magsisisamba sa Panginoon sa banal na bundok ng Jerusalem.
Kasalukuyang Napili:
ISAIAS 27: ABTAG
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
Ang Biblia © Philippine Bible Society, 1982