ISAIAS 15
15
Ang hula sa Moab.
1 #
Is. 13:1. Ang hula tungkol sa #1 Sam. 14:47. Moab. #Jer. 48:1-47; Ezek. 25:8-11. Sapagka't sa isang gabi ang Ar ng Moab ay nagiba, at nawalan ng kabuluhan; sapagka't sa isang gabi ay nagiba ang Kir ng Moab, at nawalan ng kabuluhan.
2Siya'y umahon sa Bayith, at sa #Blg. 21:30. Dibon, sa mga mataas na dako, upang umiyak: ang Moab ay umaangal sa #Blg. 32:3. Nebo, at sa #1 Cron. 19:7. Medeba: #Is. 3:24; Jer. 48:37. lahat nilang ulo ay kalbo, bawa't balbas ay gupit.
3Sa kanilang mga lansangan ay nangagbibigkis sila ng kayong magaspang: sa kanilang mga bubungan, at sa kanilang mga luwal na dako, umaangal ang bawa't isa, na umiiyak ng di kawasa.
4At ang Hesbon ay humihiyaw, #Is. 16:9. at ang Eleale; ang kanilang tinig ay naririnig hanggang sa #Jer. 48:34. Jahas: kaya't ang mga lalaking nangasasakbatan sa Moab ay nagsihiyaw ng malakas; ang kaniyang kalooban ay nagugulumihanan.
5Ang aking puso ay dumadaing dahil sa Moab, ang kaniyang mga mahal na tao ay nagsisitakas sa Zoar, #Jer. 48:34. sa Eglat-selisiyah: sapagka't sa ahunan sa Luhith ay nagsisiahon silang may iyakan: sapagka't sa daan ng Horonaim ay nagsisihagulhol sila sa kapahamakan.
6Sapagka't ang tubig ng Nimrim #Blg. 32:3, 36. ay natuyo, sapagka't ang damo ay natuyo, ang sariwang damo ay nalalanta, walang sariwang bagay.
7Kaya't ang kasaganaan na kanilang tinamo, at ang kanilang tinipon, ay kanilang dadalhin sa mga batis ng mga kahoy na sauce.
8Sapagka't ang daing ay lumilipana sa mga hangganan ng Moab; ang angal niya ay hanggang sa Eglaim, at ang angal niya ay hanggang sa #Blg. 21:16, 18. Beer-elim.
9Sapagka't ang tubig ng #tal. 2. Dimon ay nahaluan ng dugo: sapagka't magpapasapit pa ako sa Dimon ng isang #Nah. 2:11-13. leon na nakatanan sa Moab, at sa nalabi sa lupain.
Kasalukuyang Napili:
ISAIAS 15: ABTAG
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
Ang Biblia © Philippine Bible Society, 1982