OSEAS 8
8
Ang pagsuway ng Israel sa kautusan.
1 Ilagay mo ang #Os. 5:8. pakakak sa iyong bibig. Gaya ng isang #Deut. 28:49. aguila dumarating siya laban sa bahay ng Panginoon, sapagka't #Os. 6:7. kanilang sinuway ang aking tipan, at nagsisalangsang laban sa aking kautusan.
2Sila'y magsisidaing sa akin, #Mat. 7:21-23. Dios ko, kaming Israel ay nangakakakilala sa iyo.
3Itinakuwil ng Israel ang mabuti: hahabulin siya ng kaaway.
4Sila'y nangaglagay ng mga hari, #1 Hari 12:20; 2 Hari 15:13, 17, 23. nguni't hindi sa pamamagitan ko; sila'y nangaglagay ng mga prinsipe, at hindi ko nalaman: #Os. 2:8. sa kanilang pilak at kanilang ginto ay nagsigawa sila ng diosdiosan, upang sila'y mangahiwalay.
5Kaniyang inihiwalay ang iyong guya, Oh Samaria; ang aking galit ay nagaalab laban sa kanila: hanggang kailan sila ay magiging mga musmos.
6Sapagka't mula sa Israel nanggaling ito; ito'y ginawa ng manggagawa, at ito'y hindi Dios; oo, ang guya ng Samaria ay magkakaputolputol.
7Sapagka't sila'y nangagsasabog ng hangin, at sila'y magsisiani ng ipoipo: siya'y walang nakatayong trigo; ang uhay ay hindi maglalaman ng harina; at kung maglaman, ay lalamunin ng mga #Os. 7:9. taga ibang lupa.
8Ang Israel ay nalamon: ngayo'y nasa gitna siya ng mga bansa na #Jer. 22:28. parang sisidlang hindi kinalulugdan.
9Sapagka't #2 Hari 15:19. sila'y nagsiahon sa Asiria, na parang isang mailap na #Jer. 2:24. asno na nagiisa: ang Ephraim ay #Ezek. 16:33, 34, 41. umupa ng mga mangingibig.
10Oo, bagaman sila'y umuupa sa gitna ng mga bansa, akin nga silang pipisanin ngayon; at sila'y mangagtitigil na kaunting panahon ng pagpapahid ng langis #Is. 10:8; Ezek. 26:7. sa hari at mga prinsipe.
11Sapagka't ang Ephraim, ay nagparami ng mga dambana upang magkasala, ang mga dambana ay naging sa kaniyang ipagkakasala.
12Sinulat ko para sa kaniya #Deut. 4:6, 8. ang sangpung libong bagay ng aking kautusan; kanilang inaring parang katuwang bagay.
13Tungkol sa mga hain na mga handog sa akin, sila'y nangaghahain ng karne, at kinakain nila; nguni't ang mga yaon ay hindi tinatanggap ng Panginoon; ngayo'y aalalahanin niya ang kanilang kasamaan, at dadalawin ang kanilang mga kasalanan; #Deut. 28:23; Os. 9:3; 11:5. sila'y mangababalik sa Egipto.
14Sapagka't nilimot ng Israel ang May-lalang sa kaniya, at nagtayo ng mga palacio; at nagparami ang Juda ng mga bayang nakukutaan; nguni't magsusugo #Amos 2:5. ako ng apoy sa kaniyang mga bayan, at susupukin ang mga kuta niyaon.
Kasalukuyang Napili:
OSEAS 8: ABTAG
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
Ang Biblia © Philippine Bible Society, 1982