At kaniyang sinabi, Yumaon tayo at tayo'y lumakad, at ako'y mangunguna sa iyo. At sinabi niya sa kaniya, Nalalaman ng aking panginoon na ang mga bata ay mahihina pa at ang mga kawan at ang mga baka ay nagpapasuso: at kung ipagmadali sa isa lamang araw ay mamamatay ang lahat ng kawan. Magpauna ang aking panginoon sa kaniyang lingkod: at ako'y mamamatnubay na dahandahan, ayon sa hakbang ng mga hayop na nasa aking unahan, at ng hakbang ng mga bata, hanggang sa makarating ako sa aking panginoon sa Seir. At sinabi ni Esau, Pahintulutan mong iwan ko sa iyo ang ilan sa mga taong kasama ko. At kaniyang sinabi, Ano pang dahil nito? Makasundo nawa ako ng biyaya sa paningin ng aking panginoon. Gayon nagbalik si Esau ng araw ding yaon sa kaniyang lakad sa Seir. At si Jacob ay naglakbay sa Succoth, at nagtayo ng isang bahay para sa kaniya, at iginawa niya ng mga balag ang kaniyang hayop: kaya't tinawag ang pangalan ng dakong yaon na Succoth. At dumating si Jacob na payapa sa bayan ng Sichem, na nasa lupain ng Canaan, nang siya'y manggaling sa Padan-aram; at siya'y humantong sa tapat ng bayan. At binili ang pitak ng lupa na pinagtayuan ng kaniyang tolda, sa kamay ng mga anak ni Hamor, na ama ni Sichem, ng isang daang putol na salapi. At siya'y nagtindig doon ng isang dambana, at tinawag niyang El-Elohe-Israel.
Basahin GENESIS 33
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: GENESIS 33:12-20
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas